NAGLUNSAD ng PANALO SA ALLTV promo ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) noong Lunes (July 1, 2024) para sa mas exciting na panonood ng mga viewer nito.
Ang AMBS, na nag-o-operate ng AllTV, ay mamimigay ng bahay at lupa mula sa Vista Land kada Linggo mula July 1 hanggang August 26, 2024, habang P500 each ang naghihintay sa 20 lucky winners araw-araw.
Simula noong Lunes, hinihikayat ang mga manonood na i-scan ang QR code na magpa-flash sa mga program ng AllTV, at hanapin ang word/s for the day na ipakikita mula sa pagbukas ng mga programa simula 12 noon hanggang 11:15p.m..
Kinakailangan din mag-selfie ang mga nais sumali.
Para sa mas detalyadong mechanics, magpunta sa www.alltv.com.
Mapapanood sa ALLTV ang pinakamatagal ng TV news show na TV Patrol, at ang pinakasikat na variety show, It’s Showtime!
Mapapanood din sa ALLTV ang classic programs ng ABS-CBN na nasa Jeepney TV.
Ang ALLTV ay mapapanood sa Channel 2 (Free TV at Planet Cable); Channel 35 (Cignal and Skycable- provincial areas); Channel 13 (Skycable in Metro Manila) at Channel 2 (for Sinag, Cablelink, GSAT and other cable TV).