Sunday , December 22 2024
Melai Cantiveros Ai Ai delas Alas Tanging Ina

Melai maikokompara kay Ai Ai, estilo ng pagpapatawa magkaibang-magkaiba

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKAHANDA raw naman si Melai Cantiveros na gawin ang dating role na identified kay Ai Ai delas Alas, iyong Tanging Ina kung wala iyong pagtutol.

Kaya pala nainis sila nang magtanong si Ai Ai tungkol sa project, may balak pala silang ipagawa na iyon kay Melai na artista nila.

Ano ang aming opinion? Baka mahirapan naman si Melai. Una masyadong identified ang role kay Ai Ai dahil ilang pelikulang ganoon ang tema na ang kanyang ginawa. Iba ang style ng pagpapatawa ni Ai Ai kay Melai.

Si Ai Ai kasi likas ang pagpapatawa, si Melai mukhang aasa sa script at directok niya. Ewan pero hindi kasi kami natatawa kay Melai.

Kung gusto nilang mai-build up pa si Melai bilang isang komedyante pagawin nila ng ibang pelikula at hindi iyong role na nagawa na ni Ai Ai, baka kapusin siya at mag-suffer by comparison. Basta lumabas na mas mahusay ang peformance ni Ai Ai kaysa kay Melai sa Tanging Ina, magsa-suffer lang siya at baka iyon pa ang maging katapusan ng kanyang career. Kung gusto mong tulungan ang isang baguhan huwag mong bibigyan ng role na ang performance niya ay maikukompara sa iba, lalo na’t ang pagkukumparahan nila ay mas sikat sa kanya.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …