ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SI Ellis Catrina ang creative producer at writer ng dalawang pelikulang ginawa ng movie company nilang Pocket Media Productions Incorporated.
Sa nauna nilang pelikulang Chances Are, You and I na pinagbidahan nina Kelvin Miranda and Kira Balinger ay nag-shooting sila sa Korea. Ngayon sa nakakakilig nilang new movie titled That Kind of Love starring Barbie Forteza at David Licauco, nag-shoot din sila rito, may meaning ba ito?
Tugon ng 27 years old na si Ellis, “Actually, there was nothing special about it. I just love the country at the same time, K dramas are very relevant when it comes to Rom-Com film… so, given that, it makes your film… that would give that kilig-vibe and bring back that kilig-vibe here in the Philippines, that makes us bring BarDa in Korea.”
Ang That Kind of Love ay mula sa pamamahala ni Direk Catherine “CC” O. Camarillo.
Si Ellis ay director din ng mga short film, high school pa lang ay gumagawa na raw siya ng short films.
Nabanggit din niya ang kanilang third at next movie na gagawin. “Ang next movie po namin ay action, abangan po ninyo,” aniya.
Mommy din ba niya ang director nito?
“Yes po, mommy ko rin ang magdidirek ng third movie namin, tandem po kami. Dream talaga ni Mommy na makagawa ng action film,” nakangiting bulalas ni Ellis.
How about horror films, hindi ba niya naisip i-pitch ito sa kanyang mother? Sa palagay ba niya may market ito?
“Ay horror po? Matatakutin po kasi ako e, but I want to try horror. Yes po may market iyan and Filipinos love horror films.”
Dagdag niya. “Iyong first ko pong horror project was with Direk Chito Roño, iyong Ghost Bride, as PA po ako roon.”
Balik sa pelikulang That Kind of Love, hindi ba nila naisip na i-market din sa Korea itong kanilang new movie?
Sambit ni Ellis, “Of course, naisip na rin po namin iyan… Yes po, may possibility na mapanood din ang movie namin doon. Pati po sa other Asian countries.”
Anong masasabi niya sa tandem nila ng kanyang mommy?
“Malakas, hahaha! Si Mommy po kasi, hasang director na po talaga siya. She guides me all throughout. Ako naman po, I love creating concepts, creating stories and I love creative producing.
“So, iyong tandem po namin when it comes to creating our project is very easy and very fun, actually.”
Pinaplano rin ba niyang maging director ng full length films? “Yes po, of course. I also want to be a director of a full-length film someday. Kahit anong genre po, basta kapag dumating na po ang araw, gagawa po talaga ako,” paniniyak ni Ellis.
Ang That Kind of Love ay naging Spotlight entry at awardee sa ginanap na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.
Sa pelikula ay gaganap si Barbie bilang si Mila, na isang kilalang dating coach and certified psychologist. Hahanapan niya rito ng magiging special someone ang mayamang businessman na si Adam (David). Pero ano’ng mangyayari kung ang love coach ang siyang ma-fall sa kanyang kliyente?
Tampok din sa That Kind of Love sina Al Tantay, Arlene Muhlach, Jef Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet, at Kaila Estrada.
Ang premiere night nito ay sa July 4 sa SM Megamall. Showing ang pelikula sa mga sinehan sa July 10.