ni Ed de Leon
FEELING daddy daw si dating public official sa mga “ampon” niyang male personalities. Mala- pageant winners na talaga namang sinusustentuhan niya.
Sa ngayon ok lang ang relasyon niya at pagsusustento sa isang actor na hiwalay sa asawa. Una, hiwalay na naman iyon sa asawa niya, at ikalawa tiyak na ang isinusustento niya ay sarili niyang pera, hindi kagaya niyong mga nauna na isinama niya sa payroll ng gobyerno. Ibig sabihin, ang taumbayan pa ang nagsusustento sa kanyang pagsintang pururot.
Wala kaming pakialam at hindi ninyo masasabing laban kami sa kanila dahil tapos na ang pride month. Marami rin kaming kakilala at kaibigang bading, ang against lang kami ay iyong gumagamit ng pera ng bayan para sa kanilang kabadingan at marami iyan ha, hindi lang iyan iisa.