I-FLEX
ni Jun Nardo
MASAYANG nagsasama ang isang showbiz couple na you and me against the world ang laban ng aktor sa pamilya ng napangasawa.
Sa dalawa, ang lalaki ang laging nakikita sa mga project sa movie at TV habang pahinga muna ang babae sa pag-arte.
Naisipan ng management ng aktres na oras na para gumawa naman siya ng pelikula. Eh kapag may pelikula ang aktres, box office hit, huh!
Nang malaman ng aktor na gagawa ng pelikula ang asawang aktres, nag-request siyang silang dalawa ang pagsamahin.
Tumaas ang kilay ng asawa. Alam din niya kasi ang track record ng asawa pagdating sa pelikula. Hindi masyadong tinatangkilik ng tao.
Naging polite naman ang aktres sa asawa na nilambing, sinabing iba na lang ang gusto niyang makapareha.
End of the story. Hindi naipilit ng aktor ang gusto niyang makasama ang asawa sa pelikula.