Sunday , June 30 2024
Vilma Santos

Vilma Santos akmang tawaging Pambansang Alagad ng Sining

NGAYONG araw na ito ay gagawa ng announcement ang AKTOR, ang bagong samahan ng mga artista sa pelikula at telebisyon na sinasabing higit na progresibo at pinamumunuan ni Dingdong Dantes, na sinusuportahan nila ang pagdedeklara kay Vilma Santos-Recto bilang isang pambansang alagad ng sining o National Artist.

Marami silang sinabing dahilan sa kanilang inilabas na position papers kung bakit naniniwala silang si Vilma ay dapat na ngang ideklarang pambansang alagad ng sining. Pero kung kami ang tatanungin, ilan lang na wala pa roon ang aming dahilan kung bakit naniniwala kaming dapat siyang ideklarang Pambansang Alagad ng Sining. Ipagpatawad ninyo kung ginagamit namin ang higit na angkop na katawagang Pambansang Alagad ng Sining at hindi ang National Artist. Iyon kasing national artist ay gamit na gamit na sa mga walang katuturang usapan na wala namang kinahahantungan.

Si Vilma ang tunay na Pambansang Alagad ng Sining dahil gusto siya ng masang Filipino. Iyong kanyang anim na dekada sa industriya ng pelikula at telebisyon ay nananatili siyang nasa itaas, hindi siya nalaos ay patunay lamang na gusto siya ng masang Filipino. Bukod sa napakatagal na panahon siyang itinuring na Box Office Queen. Iyong kanyang efforts para buhayin ang industriya ng pelikula ay walang kapantay. 

Noong nakaraang MMFF (Metro Manila Film Festival) hindi ang pelikula niya ang itinanghal na top grosser, pero tumaas ang kita ng kabuuan ng festival dahil nai-set sa tamang mood ang mga tao at ang iba ring artista dahil sa sinimulan nina Vilma at Christopher de Leon na advocacy na mapabalik ang mga tao sa sinehan. Hindi mo maikakailang tagumpay nila iyon eh dahil nang matapos ang festival at hindi na naman sila visible naghingalo na naman ang mga pelikulang Filipino.

Parang nagkakaroon lamang ng excitement ang pelikula kung nariyan si Vilma.  Hindi lamang iyan ang makalumang henerasyon. Doon sa ginagawang Cinema Icon Series ng CCP na ipinalalabas nila ang mga klasikong pelikulang Pilipino  alin ba sa mga palabas nila ang dinudumog ng mga tao maging ng mga kabataan? Hindi ba ang pelikula ni Vilma? At sinasabi nila na noon pala ay maganda ang mga pelikulang Pilipino. Kami mismo madalas naming marinig ang mga bagay na iyan, lalo na’t nakadadalo nga kami sa mga screening na iyon. Sinasabi niyong mga bata, “tama pala ang mama ko, magaling ngang umarte at maganda ang pelikula ni Vilma.”

Nakatutuwa dahil pinapalakpakan pa iyon at binibigyan ng standing ovation ng mga kabataan sa panahong ito. Ano ang dahilan at nakukumbinsi ni Vilma ang mga iyon na panoorin pa ang mga luma niyang pelikula? Bakit nakukuha niya ang kanilang paghanga? Kaya ngayon nga, ang usapan ay kung ilang pelikula na ni Vilma ang napanood nila? Mayroon pa ngang isang natitirang video shop na marami raw ang nagpupunta sa kanila ngayon na ang hinahanap ay mga lumang pelikula ni Ate Vi.

Si Vilma ay isang magandang halimbawa rin para sa ating mga kabataan. Hindi nahilig si VIlma sa anumang bisyo kagaya ng pagsusugal, paglalasing, magbabangag, at kaung ano-ano pa. 

At bilang isang pambansang alagad ng sining, mahalaga iyan.

Hindi tama iyong sinasabi nilang wala sa usapan ang magaspang na ugali, kundi ang dapat pag-usapan ay body of works lamang. Bakit gusto ba ninyong maging pambansang alagad ng sining iyong isang masamang halimbawa sa mga kabataan? Excuse ba iyong basta nakaaarte ka lang ay malaya mo nang magagawa ang bisyo at maging masamang halimbawa ka pa sa iba? Ang mga artist ay tinatawag ding role models, sinusundan iyan ng ibang tao. Ginagaya ang kanilang pananamit kilos at pananalita at kadalasan ginagaya rin ng kanilang fans maging ang masasamang bisyo na nakikita sa kanila.

Kaya nga para maiba naman at hindi mahalo sa mga kung ano-anong usapan dapat si Vilma at ang iba pang mga national artists na may K, ay tawaging pambansang alagad ng sining.

Sila iyong sinusunod at dapat pamarisan ng mga Filipino. Hindi iyon ang makikita sa iyo ay bisyo, tungga, hitit, at pagbabangag.

Panahon na para tayo magising sa katotohanan na ang isang national artist ay dapat na maging kagalang-galang. Dapat nasa ayos. Hindi ba nakahihiya tayo kung sabihan tayo ng mga dayuhan na, “ang national artist ninyo diyes lang.”

Hindi ba mas maganda kung gagawin ang announcement na, “ang pambansang alagad ng sining”tapos susundan ng spotlight sa CCP at darating na maayos maganda at kahanga-hanga.

Eh kung ang darating ay mukhang nagtitinda lang ng dinuguan sa kanto, huwag na lang.

About Ed de Leon

Check Also

Marian Rivera Gabby Concepcion Raphael Landicho

Marian at Gabby’s series tinututukan hanggang dulo 

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY na tinatangkilik ng viewers ang My Guardian Alien na ngayon ay nasa …

Stell Ajero Julie Anne San Jose

Sagupan nina Julie at Stell inaabangan

RATED Rni Rommel Gonzales ANSWERED prayers ‘ika nga ng kanilang fans, dahil sa unang pagkakataon, …

Ruru Madrid Black Rider

Ruru pinanggigigilan ng mga kalaban at viewers

RATED Rni Rommel Gonzales OA na reactions mula sa viewers ang nakukuha ng high-rating primetime …

Cristine Reyes NCMH

Cristine na-scam tulong para sa mga batang may mental condition

MA at PAni Rommel Placente AYON kay Cristine Reyes na-scam siya nang hingan ng tulong at donasyon …

Kathryn Bernardo

Kathryn Queen of Endorsements Maine, Marian, Sharon kinabog

MA at PAni Rommel Placente MULA nang mahiwalay kay Daniel Padilla ay mas lalong sumikat si Kathryn Bernardo. …