Sunday , December 22 2024
MTRCB Lala Sotto Joy Belmonte Korina Sanchez

MTRCB nagsagawa ng Responsableng Panonood Family and Media Summit: Palakasin ang Pamilyang Filipino

IDINAOS kahapon ang Responsableng Panonood Family and Media Summit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para hikayatin ang mga pamilya na maging mapanuri sa paggamit ng media.

Ang summit, na ginanap sa Quezon City, ay dinaluhan ng mga kilalang personalidad, kabilang sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, mamamahayag na si Ms. Korina Sanchez-Roxas, DepEd Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Safe Schools Chairperson Dr. Arlene Escalante, at mga kinatawan mula sa National Council for Children’s Television (NCCT) na pinamumunuan ni Chairperson Dr. Luis Gatmaitan. Kasama rin sa seminar si Presidential Communications Office Director III-STRATCOM Sheryll Mundo.

Ang Summit ay bunsod ng vision ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paigtingin ang media at information literacy sa buong Pilipinas.

Sa panahon ngayon, napakabilis ang pagbabago ng media landscape. Bilang Chair ng MTRCB at, higit sa lahat, bilang isang ina, nauunawaan ko ang mga hamon na kaakibat ng paggabay sa ating mga anak sa digital na panahon,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa kanyang pambungad na pananalita.

Mahalaga na mabigyan natin ang mga magulang at mga tagapag-alaga ng mga nararapat na mga kagamitan at kaalaman para magabayan ang kabataan sa responsableng paggamit ng media,” dagdag niya.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Belmonte na ngayon higit kailanman, kinakailangang makasunod ang mga matatanda sa digital na panahon.

Isang malaking hakbang ang talakayan natin dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga matatanda, binibigyan natin sila ng kakayahang maging mas mapanuri sa kanilang napapanood at naipakikita sa kanilang mga anak,” sabi ni Belmonte.

Ipinagdiinan naman ni Ms Korina ang kahalagahan ng pagmo-moderate at pamamahala ng nilalaman.

Mahalaga na magkaroon ng balanse sa screen time at mga pisikal na aktibidad. Ang uri at kalidad ng nilalaman na pinanonood ng ating mga anak ay may malaking epekto sa kanilang murang kaisipan.

Magtrabaho tayo tungo sa isang balanse at enriching environment na maaaring umunlad ang mga bata sa parehong online at offline,” ani Sanchez-Roxas.

Ayon kay Chair Lala, rito pumapasok ang Responsableng Panonood campaign. “Naniniwala kami sa MTRCB na nasa puso ng Responsableng Panonood ang pamilyang Filipino. Bilang pangunahing yunit ng lipunan, sa tahanan unang natututo ang mga bata tungkol sa mundong kanilang ginagalawan. Kung ano ang kanilang nakikita sa telebisyon, online, at sa iba pang anyo ng media ay may iba’t ibang epekto ito sa kanila. Kaya naman, mahalaga na tayo, bilang mga magulang at tagapag-alaga, ay aktibong ginagampanan ang ating tungkulin sa paggabay sa mga bata sa wastong paggamit ng media.”

Tinalakay naman ni Dr. Gatmaitan ang mga pagsusumikap ng NCCT na itaguyod ang isang child-friendly TV landscape sa bansa.

Ang Responsableng Panonood campaign, na inilunsad ng MTRCB noong 2023, ay binibigyang-diin ang mahalagang papel ng mga pamilyang Filipino sa paghubog ng mga kaugalian sa paggamit ng media at naglalayong magbigay ng mga kagamitan sa mga magulang at tagapag-alaga upang matulungan ang mga bata na pamahalaan ang oras sa screen at pumili ng may kalidad na nilalaman.

Ang family and media summit ay nagtampok ng mga eksperto na nagbahagi ng mga pananaw at estratehiya para sa pagtataguyod ng kapaki-pakinabang at angkop na panoorin para sa mga bata.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …