Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BINI Puregold

BINI at Puregold ipinagdiriwang pagbabago sa pinakabagong single ng grupo

NAGBABALIK ang nation’s girl group na BINI, kilala sa kanilang mga nangungunang kanta, at inihahandog ang isang bagong single na nilikha kasama ang Puregold. Sa isang kakaibang lapat sa kantang Nasa Atin ang Panalo, ipinasok ng BINI ang temang Ang Kwento ng Pagbabago.

Noong nagdesisyon kaming itampok at magtrabaho kasama ang mga nangungunang artista sa musika sa bansa, alam naming kailangang makatrabaho ang BINI,” sabi ni Puregold President Vincent Co. “Nagsumikap sila para maging bahagi ng lokal na industriya ng musika, at ipinagmamalaki naming itanghal ang kanilang talento katambal ang Puregold.”

Ilang linggo na ang nakararaan, inilabas ng Puregold ang Nasa Atin ang Panalo music video, isang kolaborasyon kasama ang BINI, SB19, si Flow G, at ang SunKissed Lola. Pagkatapos ipakita kung ano ang maaaring gawin ng bawat isa sa kanila sa kanta, handog naman ngayon ng Puregold ang kompletong bersyon na itinanghal ng BINI.

Sa awitin, nakapokus ang BINI sa kanilang pag-unlad at paglago bilang mga mang-aawit. Katulad ng kanilang mga nagmamahal na fan na tinatawag na “Blooms”, patuloy din ang BINI sa pamumukadkad sa kanilang karera. Sa pambungad na mga liriko ng kanta, bakas ang pagdala ng mga nakaraan at kasalukuyang karanasan ng BINI sa kung nasaan sila ngayon: “Ang mga itinuro ng noon / Dalhin at palakasin ang ngayon.”

Paalala ang kanta sa mga Bloom at mga nagmamahal sa musika sa bansa, na palaging may panibagong araw upang pagbutihin pa ang sarili. Binubuod ito ng BINI sa pre-chorus: “Anuman ang pinagmulan / Mas mahalaga ang pupuntahan!”

Sa music video ng single, mapapanood ang BINI na sumasayaw at nagtatanghal sa isang tila Puregold store. Rito, ibinabahagi ng BINI ang kanilang kuwentong Panalo sa mga empleado at mamimili sa Puregold. Ipinagdiriwang ng kanta ang BINI at ang mga taong nakatulong din sa tagumpay ng Puregold sa nagdaang mga taon.

Katulad ng BINI, patuloy ding nagsusumikap ang Puregold makamit ang sarili nitong kwento ng pagbabago,” ani Ivy Hayagan-Piedad, senior marketing manager ng Puregold. “Kaya tuloy-tuloy din kaming magbubukas ng mga lokasyon sa iba-ibang sulok ng bansa, pagbubutihan ang paglilingkod sa aming mga suki, at magiging aktibo sa iba-ibang mga inisyatibong makapagbabago ng Pilipinas.”

Isa sa mga pangunahing magtatanghal sa Nasa Atin ang Panalo Thanksgiving concert ng Puregold ang BINI, sa Hulyo 12 sa Araneta Coliseum. Itatampok din sa concert ang SB19 at si Flow G habang maghahandog naman ng espesyal na pagtatanghal ang SunKissed Lola. 

Para sa karagdagang impormasyon kung paano makakukuha ng ticket, i-follow lamang ang Puregold at ang mga musikero sa kanilang mga social media account.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …