Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheena Palad Rica Maer

Sheena Palad anyare?! Nambatok, nanulak, nanabunot

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAG-APOLOGIZE iyong baguhang singer na si Sheena Palad na unang napag-usapan nang ipalit siya ng kanyang mga kasama sa Philippone Stagers Foundation bilang presentor ng awards sa FAMASkay icon Eva Darren. Tapos ang sumunod namang pagkakataon ay nang kutusan niya, itulak at hilahin sa buhok ang singer ding si Rica Maer na nakalaban niya sa isang contest sa Tictokclock ng Channel 7. 

Ang una niyang excuse, choreographed daw ang pagkutos at pananabunot niya pero nang mangatuwiran ang production people na live raw kasi sila noon kaya nakalusot iyon, otherwise ie-edit out iyon. Sinabi naman niyang natangay lang siya ng emotions niya habang kumakanta. 

Aba masama pala siyang matangay ng emotions niya, nananakit siya. Kinausap naman daw niya si Rica Maer at ok lang naman sila, hindi naman daw nagalit. Pero katuwiran ba iyon?

Iyong matangay ka ng emotions mo manakit ka tapos ay mag-sorry ka? Nakita namin ang video noon eh, talagang Bella Flores na Bella Flores ang dating niya habang sinasabunutan at muntik nang mahulog sa platform ang probreng biktima, tapos sorry natangay lang ako ng emotions? Eh kung natangay din ng kanyang emotions iyong si Rica at kahit na maliit sa kanya ay inumbag siya, ano kaya ang sasabihin niya?

Ganyan ang biruan sa mga inuman lalo na kung may lamayan. Magkakantahan tapos may batukan na iyan, pero inuman iyon sa mga lamayan. Maiintindihan mo pa kung ganoon pero on national television mananakit ka ng kapwa mo sa harap ng audience na walang dudang may mga bata. Mabuti walang ginawa ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) dahil kung iisipin mo may pananagutan doon ang show.

Kung ang KBP (Kapisanan ng Broadcaster ng Pilipinas) ay mahigpit pa rin sa kanilang program standards natatandaan pa ba ninyo noong masuspinde ang isang television talk show nang pukpukin ng microphone ng isang guest ang isa pang kasama niyang guest din sa show at pumutok ang ulo? Suspendido ang show, walang kinalaman doon ang hosts at ang production people. Eh ito idinamay pa ang mga production people sa pagsasabing “choreographed iyon.” Ibig sabihin, sinadya sa utos ng director ng show?

Kung kami ang tatanungin, mas masama ang dating sa mga bata niyong pambabatok at panunulak sa isang contestant sa show kaysa ginawang paghimod ni Vice Ganda at Ion Perez sa icing ng cake na ikinasuspinde ng It’s Showtime ng dalawang linggo. At iyan ay dapat na maging warning na rin sa mga tv show. Baka kunin ninyong guest iyang si Sheena may batukan na naman sa show ninyo, at mapag-initan kayo ng MTRCB. Hindi dapat na magkamali ang Showtime na i-guest iyang si Sheena.

Natawa pa nga kami roon sa isang kuwentong aming narinig. May nagnakaw daw ng standee ni Sheena ng Bini kaya nangako pa ang Star Magic ng premyo na hindi naman nila sinabi kung magkano sa makakapagsauli o makapagbibigay ng impormasyon kung saan dinala ang standee at kung sino ang nagnenok niyon. 

May nakakuha naman ng video sa nag-nenok dahil nakitang dala ang standee habang pababa sa escalator ng isang mall.  Sabi nila baka raw fans iyon at gusto lang ng souvenir ni Sheena. 

Mayroon namang nagsabi na, “baka akala ng kumuha si Sheena Palad iyon kaya kinuha niya para hindi na makita ng ibang tao at makasira pa sa Bini.”

Iyon pong Sheena ng Bini ay si Sheena Catacutan. Hindi si Sheenang nakatatakot.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …