Sunday , December 22 2024
Arthur Miguel

Arthur Miguel humahataw as a recording artist, EP mula Warner Music available na

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SI Arthur Miguel ay isang 24 year old na recording artist na mula San Jose Del Monte Bulacan. Una siyang nakilala for covering songs, ngunit habang tumatagal siya ay naging songwriter at nag-prodyus na ng mga original na kanta.

Ito’y bilang expression daw of himself at ng mga taong hindi mai-voice out ang kanilangnararamdaman.

Ang ilan sa kanyang trending tracks ay ang kantang Lihim na mayroong 39.1M streams sa Spotify at ‘Ang Wakas’ na unang pumatok sa Tiktok with 50.7M streams sa Spotify.

Ngayon, si Athur ay nasa pangangalaga ng Warner Music Philippines para gumawa pa ng mas maraming heartfelt songs at i-explore ang kanyang career bilang official artist nila.

Noong nagsisimula pa lang si Arthur, hindi raw niya inisip na aabot ng milyones ang makikinig sa kanya.

Aniya, “Hindi po, kasi actually iyong pag-cover ko po, iyong pag-listen sa music, it’s a hobby lang, lalo na noong nagsisimula ako sa music… Hindi naman sa hindi ako sinusuportahan ng parents ko or ayaw nila, natatakot lang sila, na siyempre kapag pumasok ako sa music, alam nila na kapag nag-release ka ng isang kanta ay hindi ka magiging successful agad.

“Kaya sabi ko ay hobby ko lang talaga ito, kasi art student po talaga ako, Graphic Desinger.”

Kuwento pa ni Arthur, “Hayon, nag-cover ako noong pandemic at doon nag-start, nakuha ko ang atensiyon nang lahat. Kasi nga ang mga tao nasa bahay lang, ganoon, at wala silang magawa. So iyon, nakilala ako as cover artist sa YouTube.”

Ang pinakasikat daw niyang cover ay ang ‘Crazier’ ni Taylor Swift, na sa  huling check ni Arthur sa YouTube ay umabot na ng 46 millions.

Aminado rin si Arthur na isa si Taylor Swift sa inspirations niya sa paggawa ng kanta.

Ang first song na nagawa naman niya ay noong 2019 titled Handa Na Ba? at ito ay kanta raw about crush.

Minsan, mas kilala raw siya as cover artist, “Minsan po kasi, parang nakakatawa lang, once na hindi pa ako kumakanta, hindi pa nila ako kilala. Pero kapag kumanta na ako (sasabihin nila), ‘Ay si ano, siya pala iyon.’ Kasi, nakakalito nga naman na as cover artist ako nag-start, pero biglang magta-transition sa ganito.”

Nagpasalamat din si Arthur sa Warner Music Philippines sa nagawang tulong sa kanya.

“Siyempre po, I’m so happy and grateful sa lahat ng nangyayari. Kasi po, ang laki ng tulong ng label sa akin. Kasi, ano po talaga ako, like, introvert… ang kapag sinabi mo kasing introvert, ang hirap niyon i-approach, like hindi mo siya makakausap.

“Usually, dati rin po ay hindi ako ganito, na parang nasasabi ko ang gusto kong sabihin. I mean, hindi pa namam ako ganoon kagaling din mag-explain, pero at least nae-express ko na ang sarili ko. So, iyon po ang one thing na sobrang thank you roon sa nagawa nila,” sambit pa niya.

After mag-hit ang kanyang single titled ‘Lihim,’ ang singer-songwriter na si Arthur ay naglabas naman ng five-track EP na pinamagatang ‘MU.’

Ang kanyang EP ay inilarawan ni Arthur bilang malabong ugnayan na mga hugot songs. Ito ay binubuo ng five songs kabilang ang ‘Malabong Ugnayan’,  ‘Isaoras,’ ‘Ghinost,’ ‘Dati,’ at ‘Maling Panahon’.

“Ito ay parang warning sign, na ito ang mga songs na puwede ninyong kahinatnan kapag sumugal kayo sa MU,” wika pa niya ukol sa kanyang EP.

Ang carrier single na ‘Malabong Ugnayan’ featuring Jikamarie ay ukol sa relationship na walang clear status at walang kasiguraduhan. “Palagi kayong nasa pagitan ng oo, hindi, at baka,’ pakli pa ni Arthur.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …