HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala ay interview sa kanya tungkol sa pagiging reservist, at matagal na raw iyon, hindi bagong video. Iyon daw sinasabing paghuhubad niya nasa script naman daw iyon na ginawa nilang blog.
Pero alam naman ninyo ang takbo ng isipan ng mga tao, lalo na’t ilang araw pa lamang ay nakuha ng mga nag-raid sa isang POGO hub sa Porac, Pampanga ang isang papeles na nagsasabing isasama ni Roque ang modelo at contest winner na si AR dela Serna sa trip niya sa Europe. Sinabi niyang kailangan niya ng travel companion dahil siya ay diabetic, may stent na sa puso, at may kung ano pang ibang sakit. Kaya naman kinukuwestiyon din ng ilan kung bakit nga ba isang male model at contest title winner ang isinama niya at hindi isang doctor o nurse na mas makatutulong sa kanya just in case. At ang laki ng suweldo ha P54K a month simula Enero hanggang Disyembre noong 2021.
Isabay mo na riyan ang bumababa nang popularidad ng mga Duterte na kakampi ng China at ngayon isa pa sa defenders ni Apollo Quiboloy, bumaba na ang kanilang kredibilidad.
Sana nga huwag namang madamay talaga si Ronnie sa mga usapan, matagal din siyang nagsikap sa kanyang career. Hindi naman siya sinuwelduhan ng P54K a month, tapos dahil sa isang lumang video sa blog nadamay pa siya sa tsismis.