Sunday , December 22 2024
Kevin Costner Horizon An American Saga 

Horizon: An American Saga ni Kevin Costner na binigyan ng standing ovation sa Cannes mapapanood na sa June 28

NAGBABALIK ang aktor/direktor na si Kevin Costner sa pamamagitan ng pelikulang Horizon: An American Saga na nagtatampok din kina Sienna Miller, Sam Worthington, Giovanni Ribisi, Jena Malone, Jamie Campbell Bower, at Luke Wilson

Ang Horizon: An American Saga – Chapter 1, ay  ipinamamahagi sa Pilipinas ng Parallax Studios, na mapapanood simula Hunyo 28 habang ang Chapter 2 ay mapapanood sa Agosto 2024.

Hindi na bago kay Kevin ang magdirehe ng Western genre. Ang kanyang directorial debut ay ang 1990’s Dances with Wolves, isa ring epic Western, na nanalo siya sa kauna-unahang pagkakataon bilang direktor gayundin ang Best Picture at Best Director Academy Awards. At simula noong 2018, sumikat lalo si Kevin sa kanyang Yellowstone, isang sikat na neo-Western drama series na nagbigay inspirasyon sa maraming prequel at spinoff series.

Ang Horizon: An American Saga ay sinasabing passion project ni Kevin. Bukod sa pagiging aktor-direktor ng pelikula, kasama rin siyang sumulat at nag-ambag ng $38 milyon para gawin na mas malawak ang saga, isang proyektong binuo sa loob ng mahigit 30 taon. Ayon sa mga ulat, ang unang dalawang kabanata, na nakatakdang ipalabas ngayong taon, ay nagkakahalaga ng $100-M para gawin.

Ang unang kabanata ay ipinalabas sa katatapos na Cannes Film Festival, na nakakuha ng pitong minutong standing ovation. “Such good people. Such a good moment, not just for me, but for the actors that came with me, for people who believed in me who continued to work,” mangiyak-ngiyak na turan ni Kevin bilang tugon sa natanggap na standing ovation, palakpak, at hiyawan sa kanyang pangalan. “It’s a funny business, and I’m so glad I found it. There’s no place like here. I’ll never forget this — neither will my children.”

Ang Horizon: An American Saga ay nag-explore sa pang-akit ng Old West at kung paano ito napanalunan – at nawala – sa pamamagitan ng dugo, pawis at luha ng marami. Sa loob ng apat na taon ng American Civil War, mula 1861 hanggang 1865, ang ambisyosong cinematic adventure ni Costner ay magdadala sa mga manonood sa isang emosyonal na paglalakbay sa isang bansa na nakikipagdigma sa sarili nito.

Sa kanilang pagsusuri sa Cannes, ang website ng pelikula na Next Best Picture ay nagsabi na sa Western epics, “there are incredible opportunities to explore engaging worlds while showcasing impressive visual artistry within the genre. However, no matter what, you can always count on folks like Kevin Costner to remind audiences of the power these films can still have in today’s age. It’s impossible not to feel that passion with ‘Horizon: An American Saga – Chapter 1’ as so much is packed into this nod to the epics of yesteryear. There’s a lot thrown at the screen that still manages to result in an engrossing experience.”

I don’t fall out of love with what I think is something good,” tugon ni Kevin sa isang film’s press conference sa Cannes nang matanong ukol sa financial challenges na kinaharap sa paggawa ng pelikula. “I believe that when these lights go out and we’re in a movie theater, something magical can happen. Part of why I wanted to make one, two, three and four was to make it for myself because I know what it’s like to sit out there in the audience and the curtain opens and something magical is going to happen, and a story is going to transport us. The movies have always been a place for us to go have a chance at magic. Something that we’ll never ever forget.”

Nagbiro pa si Costner na para maipagpatuloy ang paggawa ng pelikula o ang ikatlong chapter, kakatukin niya ang mga mayayamang nasa Cannes para tulungan siya. “They go, ‘Oh come, I want to have a picture.’ I say, ‘No, get your checkbook out. Let’s talk money,’” natatawa pang sabi ng aktor.

Nang matanong naman kung nahirapan ba siya sa pagsusuot ng iba’t iba at napakaraming hats para sa kanyang passion project (writer, director, producer, actor), sinabi nitong, “I’d like to think that I got to this place [in my life] because I like the work. I like the dreaming part. I like the late nights, directing and editing and writing – I like that part of it the best.”

Kaya humanda na sa pagbubukas ng unang kabanata ng epikong Horizon: An American Saga, na ipamamahagi sa Pilipinas ng Parallax Studios kasama ang Axinite Digicinema, sa mga sinehan sa Hunyo 28.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …