Sunday , November 24 2024
Vilma Santos Grace

Vilma himala ng Mahal na Birhen ng Lipa posibleng gawin

HATAWAN
ni Ed de Leon

MATAPOS manood ng isang stage play tungkol sa mga grasyang natatanggap mula sa DIyos, nabanggit ang pamimintuho sa Mahal na Birhen ni Vilma Santos na impressed sa play at sa kuwento. May nagsingit na bakit hindi niya gawing pelikula ang tungkol sa pagpapakita ng Mahal na Birhen sa Lipa.

Hindi nagkaila ang aktres at dating gobernador ng Lipa na siya ay naniniwala sa himala ng birhen na tinatawag nilang Mediatrix of All Graces, na sinasabing nagpakita sa isang nobisyadang madreng Carmelita noong 1948. Pero iyon ay naging kontrobersiyal. Idineklara ng ilang Obispo na binuo noon para sa imbestigasyon ng mga milagro, maging ang pag-ulan ng rosas ay fake. 

Kaya noong 1951 naglabas ng isang dokumento ang Roma na nagsasabing fake iyon. Mabilis na sinupil ang debosyon. Ipinasira ang imahe ng birhen na hindi naman nagawa at itinago lang ng mga madre. Ang Obispo noon ng Lipa na si Bishop Alfredo Versoza ay inalis sa diocese at umuwi sa bayan nila sa Ilocos at hindi binigyan ng assignment. Iyong kanyang Auxiliary Bishop na si Alfredo Oviar ay ipinadala rin sa Quezon ng walang assignment. Sila ay pinalitan ng isang apostolic administrator na si Monsignor Rufino Santos. Si Santos ay nanguna rin sa imbestigasyon at nagdeklara na ang mga milagro ay fake at hindi dapat paniwalaan. Pero sa kabila ng lahat, nagpatuloy ang mga tao sa kanilang debosyon sa Mahal na Birhen, kabilang na nga si Ate Vi at si Mama Santos.

Noong maging arsobispo ng Lipa si Bishop Mariano Gaviola, pinatingnan niya ang nangyayari sa Lipa at sa sinasabing milagro ng birhen dahil nananatiling malakas ang debosyon ng mga tao, kabilang na ang ginagawang penitential procession tuwing unang Sabado ng bawat buwan ng 4:00 a.m.. Pinayagan din niyang ilabas na muli sa kapilya ng mga madreng Carmelita ang imahen ng mahal na birhen, lalong lumakas ang debosyon. Nagpatuloy pa ang imbestigasyon at maraming nakitang pagkakamali sa imbestigasyong pinagtibay noong 1951 kaya ang arsobispo namang si Ramon Arguelles ang nagpatuloy. 

Naniwala rin si Arguelles sa milagro, at sabi nga niya, “kung totoo mang nagpakita ang birhen sa Lipa o hindi, ang mensahe ay tama na kailangan tayong mas manalangin dahil kung hindi marami ang mahuhulog sa impiyerno. Hindi batayan sa akin kung nagpakita man ang birhen o hindi, dahil tama ang mensahe at iyon ang aking pinaniniwalaan”. Pero dahil doon, kagaya rin ng mga nauna sa kanyang sina Versoza at Oviar, maagang pinagretiro si Arguelles at pinalitan nga ng kasalukuyang arsobispong si Gilbert Garcera

Ano ang pananaw namin sa mga bagay na iyan? Minsan kasama ang isang pari dumayo kami sa Pampanga dahil gusto raw mangumpisal ng dating obispo na tiyuhin ng kaibigan naming pari. Nang matapos ang pangungumpisal niya pinapasok na kami sa kanyang kuwarto at sa pagkakalikot namin, nakita namin ang ilang petals ng rosas na nakaipit sa kanyang breviary, iyong dasalan ng mga pari. Tinanong namin siya kung saan galing iyon? Mabilis namang sumagot ang matanda, “sa Lipa.”

Agad namin siyang tinanong, ‘hindi ba isa siya sa mga obispo na pumirma sa unang imbestigasyon na iyon ay fake?’ 

Inutusan nila kaming pumirma na iyon ay fake dahil ayaw nilang magkaroon ng pilgrimage sa Pilipinas, katatapos lang noon ng giyera. Natakot din kami baka ipatapon din kami kung saan, kagaya ng ginawa kina Verzosa at Oviar na mabilis na pinapalitan kay Monsignor Santos. Pumirma naman kami, pero ako naniniwala,” sabi ng matandang obispo.  

Naniwala kami sa sinabi niya dahil hindi kami naniniwala na ang isang obispo na katatapos lamang mangumpisal at malapit nang mamatay ay magsasabi pa ng kasinungalingan. At paano nga ba maipaliliwanag ang mga may sakit na gumagaling dahil sa pamimintuho sa Mahal na Birhen?

Tama si Bishop Arguelles, nagpakita man ang birhen o hindi tama naman ang mensahe bakit natin babalewalain? 

Nakatatawa pa, dahil sa ngayon sina Bishop Verzosa at Bishop Oviar ay kapwa kinikilala na para maging mga santo. Marami na rin silang himala para sa mga may sakit na dumadalaw sa kanilang puntod.

Siguro nga kung magagawa iyang pelikula ni Ate Vi, lalong lalawak ang pananalig ng mga tao sa birhen, na kung tawagin nga ng mga deboto sa abroad ay Our Lady of LIpa. 

Minsan natatandaan namin nakumbida pa para mag-enthrone ng imahen ng Mediatrix, na tinatawag nilang Our Lady of Lipa si Bishop Broderick Pabillo, sa isang simbahan iyon sa Europe.

Sana nga iyan ang proyektong gawin ni Ate Vi. Tiyak iyon lalo siyang mamahalin ng mga kababayan niya sa Lipa.

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …