Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Onemig Bondoc

Onemig kung ‘di nagkamali ng diskarte baka sikat pa rin ngayon

MAYROONG isang mahilig na mag-post ng mga lumang artista sa social media at noong isang araw ay nakita naman naming naka-post ang picture ni Onemig Bondoc. Hindi maikakailang noong panahon ni Onemig, isa siya sa pinakapoging matinee idol, at dahil doon hindi maawat ang pag-angat ng kanyang popularidad. Hindi lang sa telebisyon, nakagawa rin siya ng maraming pelikula na naging malalaking hits din. Naniniwala ang kanyang home company noon, ang Viva na magiging isang mas malaki pang star si Onemig kaya binibigyan siya ng magagandang assignments sa pelikula.

Kung alam lang ninyo kung gaano karami ang gustong kumuha noon kay Onemig para sa mga personal appearances sa mga probinsiya. At minsan para matanggihan na nga lang dahil sobra na rin naman ang pagod, magbibigay ka na lang ng mataas na presyo, pero kinakagat pa rin nila.

Sunod-sunod din noon ang endorsement niya ng mga produkto. 

Pero nagkamali rin ng diskarte si Onemig. May mga kaibigan din naman kasi siya na nagsasabi sa kanyang mas malaki ang chances niya kung mapupunta siya sa isang major network. Nakumbinsi siyang lumipat sa ABS-CBN dahil sa pangako sa kanyang isang tv series. Naibigay naman iyon pero ginawa lang siyang support kina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Bumaba ang popularidad niya. Tapos hindi rin naman siya masyadong nabigyan ng break sa ABS-CBN hanggang sa nauwi na siya sa pagiging isa sa mga host sa isang noontime show sa IBC 13. Hindi na nakabawi ang kanyang career. Hindi naman iyon problema para kay Onemig dahil marami namang negosyo ang kanilang pamilya na kaya niyang pamahalaan. Hindi niya problema ang hanapbuhay. Pero sabi nga namin, kung hindi nagkamali ng diskarte noon si Onemig palagay namin isa pa rin siya sa pinaka-malaking star sa ngayon. After all sa hitsura na lang angat naman siya sa maraming stars sa ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …