I-FLEX
ni Jun Nardo
PARTE na ng showbiz ang stage mothers and fathers. Medyo nababawasan na sila ngayon hindi kagaya noon na talagang either sila ang manager ng anak o ‘di kaya, alalay ng anak na babae.
Take the case ng isang stage mother ng isang sikat na singer na naging bida rin sa movies.
Sa isang show, nagbigay ng imported chocolates ang madir. Tuwang-tuwa ang staff sa generosity ng nanay.
Todo kain ang staff before the show pag-alis ni mother. Pero biglang napaisip ang staff dahil naalala niya ang nanay na namigay din ng sitserya sa mga staff. Pero expired na pala ang mga ‘yon!
Kaya sabay-sabay nilang tsinek ang expiry date ng chocs. Tama ang hinala nila! Expired na ang chocolates!
Sabay luwa ng mga staff ang kinakaing chocolates.
Tahimik na ngayon ang madir ni singer-actress.