Sunday , December 22 2024
Gab Valenciano

Gabriel Valenciano tuloy-tuloy ang tagumpay

HINDI maikakailang gumawa na ng pangalan si Gabriel “Gab” Valenciano sa mga nakalipas na taon para sa sarili. Maliban sa pagiging pangalawang anak ng OPM icon na si Gary Valenciano, marami ang nakakikilala sa kanya bilang isang “creative dynamo” na napansin ng American superstar na si Beyoncédahil sa kanyang viral Super Selfie videos. 

‘Di lamang ito napansin ng mga international media outlets, ngunit naimpluwensiyahan din nito ang konsepto ng music video ni Queen Bey para sa worldwide hit single nito na 7/11 na may 600 million views na sa YouTube ngayon.   

ipinrodyus ni Gab ang kanyang Super Selfie videos habang nag-aaral sa Full Sail University sa Florida na nagtapos ng certificates for recording arts and recording engineering. Minarkahan ang videos niya ng mga dynamic dance moves at quick cuts, at powerful edits kaya naman impressed si Beyoncé at isinama niya si Gab sa creative process ng 7/11 music video. Binigyan pa ni Beyoncé si Gab ng “additional choreography” credit. At dito naging nominado si Gab sa Best Choreography category ng 2015 MTV Video Music Awards, kasama sina Chris Grant at Beyoncé.

Nag-audition din siya sa America’s Got Talent at pumasa ngunit ‘di niya naituloy dahil sa kanyang schedule. Gayunman, ang audition piece niya ay naging bahagi ng nationwide TV commercial aired para i-promote ang show at lumabas din siya sa America’s Funniest Home VideosGood Morning America, at mga online media outlets gaya ng BuzzfeedHuffington PostMashable, NBC, at marami pang iba. 

Rito sa Pilipinas, inareglo at ipinrodyus ni Gab ang music para sa ilang soap operas, gaya ng ABS-CBNremake ng K-drama na Green Rose at ng Dahil Sa Pag-Ibig pati na rin ang theme song ng Jeepney TV. Ang kanyang trabaho sa awitin na Move para sa ASAP Supahdance album ay nagbigay sa kanya ng tatlong tropeo sa Awit Awards bilang interpreter, producer, at composer para sa Best Dance Recording noong 2010. 

Ipinrodyus at inareglo rin niya ang Galing Ng Pilipino, ang 20th anniversary theme song ng TFC na composed ni Jonathan Manalo noing 2014 na nanalo bilang Best Inspirational Song and Best Theme Song sa 2015 Awit Awards pati na rin ang Best Secular Song sa Catholic Mass Media Awards.  Siya rin ang lumikha ng musical score ng award-winning indie film na Alagwa, na pinagbidahan ni Jericho Rosales at tumanggap ito ng Best Musical Score trophy mula sa Gawad Pasado Awards noong 2014.  Napili rin ang Alagwa bilang Best Indie Film Of The World sa Catalina Indie Film Awards sa California noong 2014. Nagdirehe rin siya ng mga music videos para kina Gary V, Yassi Pressman, Kai Buizon, atKiana V..

Sa telebisyon, idinirehe ni Gab ang GMA-7 variety show na Wowowin at Wowowin Primetime noong 2020. Ang iba pa niyang TV credits ay ang Club TV ng TV5Sarah G Live ni Sarah Geronimo. Isa rin siyang regular music arranger at performer sa musical variety show na ASAP; at ang celebrity talent show na I Can Do That, na fourth runner-up siya. Sumali rin si Gab sa Shall We Dance ng TV5, na siya ang grand celebrity champion noong 2008.

Isa ring accomplished motorcycle champion si Gab gunit sa nakaraang mga buwan, bumalik siya sa kanyang “roots” bilang musician at performer. Maliban sa kanyang mga radio jingle, isa siya sa mga special guests ng phenomenal Pure Energy: One Last Time concert series ni Gary V sa SM MOA Arena na nag-perform sila for a record-breaking 40,000 people. Ipinamalas din niya ang kanyang unique brand of entertainment sa dalawang mahahalagang events para sa Filipino community sa US.

Noong June 8, isa siya sa mga key participant sa 126th Annual Philippine Independence Day Celebration sa Carson, California, na nakasama niya ang kanyang ama at kapatid na babae sa entablado.

At nito lamang, June 15, naging bahagi si Gab sa TFC 30 Happy Hour para sa 126th Philippine Kalayaan celebration sa Sugar Land, Texas. Ang event ay bahagi ng Kalayaan 2024 celebrations, na minarkahan ang 126th Philippine Independence and Nationhood.

Nag-relocate si Gab sa Amerika noing 2023 at nagtuloy-tuloy ang kanyang creative success, habang binabalanse ang iba’t ibang mga proyekto habang patuloy niyang ibinabahagi ang passion sa pag-perform.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …