I-FLEX
ni Jun Nardo
MASAKIT sa loob na binitiwan na ni Willie Revillame ang dating title ng show na Wowowin ayon sa reports.
Emosyonal na nagsalita si Willie para ipaalam sa publiko na ang title ng bagong show niya eh Wil To Win na sa TV na mapapanood.
Kinompirma rin ng host na may offer ang GMA na i-renew niya ang kontrata. Eh dahil nga sa kaibigang Manny Villar, lumipat siya sa network niyang AllTV.
Abangan na lang natin ang pagbabalik-TV ni Willie at kung taglay pa niya ang karisma sa publiko.