HATAWAN
ni Ed de Leon
BINANATAN ng isang netizen si Maine Mendoza dahil nagpa-picture nga raw iyon pero hindi naman nag-alis ng face mask. Ang pakiramdam ng basher binastos ni Maine ang nagpa-picture.
Dapat bang alisin ni Maine ang face mask?
Kaya nagsuot ng face mask si Maine ay hindi dahil ayaw niyang magpa-picture kundi dahil sa katotohanang may kumakalat na namang bagong strain ng Covid 19 na hindi na matapos-tapos na para bang hindi pa kuntento sa kita ang nagpauso ng mga hindi lisensiyadong bakuna, gamot at face mask, at face shield.
Pero siguro natatakot lang si Maine na kung mauso talaga iyon mabuti na ang mag-ingat kaysa tamaan ka ng sakit na wala pa naman talagang gamot. Hindi totoo iyong bakuna. May mga kakilala kaming kompleto sa bakuna pero namatay sa Covid. May mga kakilala kaming bakunado, dalawa o tatlong beses pang binalikan ng covid. Natural takot din si Maine, lalo na ngayong sinasabi ngang nasa interesting stage na siya.
Hindi niya obligasyong alisin ang kanyang face mask kung may makikipag-selfie sa kanya. After all kahit na hindi kita ang mukha, alam naman ng nakipag-selfie na siya iyon. Hindi naman nangyari na hilingan siyang maka-selfie tapos isang alalay na may suot na face mask ang pinakunan ang picture. Siya naman talaga iyon eh. Souvenir lang naman iyon ng nakipag-selfie, ok lang iyon. Alam naman niyang si Maine ang kasama niya, unless gusto pa niya iyong ikalat at makita ng iba ang mukha ni Maine para maniwala sa kanya.
Hindi ba mas matindi kung sasabihin ng artista na ok lang mag-selfie tayo pero magpa-swab ka muna. Gagastos ka ba ng P1,000 makapagpa-selfie ka lang? Kung hindi naman bakit oobligahin pang mag-alis ng face mask iyong isang taong nag-iingat lang naman?
Iyon ngang dati naming kasamahang si Ricky Lo, nang magsimula ang pagbabakuna sa Covid isa sa unang-unang nagpabakuna. Isang linggo matapos ang unang bakuna, inatake siya sa puso, ngayon ay nasa langit na. Iyong director din noon ng Ang Probinsiyano na si Toto Natividad, ang lakas ng katawan, action director, chairman pa ng barangay sa Navotas na rumoronda gabi-gabi. Nagpabakuna. After one week inatake rin sa puso, dead na.
Noon binigyan naman kami ng doctor namin ng kasulatan na mayroon kaming sakit sa puso at delikadong bakunahan ng anti-covid na hindi pa naman tiyak ang resulta at sinasabi ngang may epektong masama sa puso. HIndi kami nagpabakuna, hindi rin kami na-covid. Pumunta pa kami sa Abra, walong oras ang biyahe papunta at walong oras pabalik, iyong tatlong kasama namin sa sasakyan na-covid. Wala kaming naramdaman pero pinilit nila kaming sumailalim sa RT PCR test, hindi kami nahawa sa kanila. Mabuti kung ganoon nga. Iyong mga kagaya ni Maine nag-iingat lang iyan. Kaya ang paniwala namin talaga mas malakas ang dasal kaysa Covid 19 virus na “made in China.” Kahit na sabihing, “laki po ako sa farm.”