Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Elaine Crisostomo

Sinag shooting nagkaroon ng aberya

REALITY BITES
ni Dominic Rea

MATIWASAY ang naging two-day shooting sa Nasugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto at idinirehe ni Elaine Crisostomo under Entablado Films.

Noong Miyerkoles ay may mga kukunang shot si direk Elaine sa Roxaco, Nasugbo pero hindi natuloy dahil nilagnat ito. Hanggang noong Huwebes, 11:00 a.m. ay napatawag si direk Elaine dahil naalarma ito sa umano’y dalawang lalaking nagtungo sa shooting. 

Anang direktor, pakay ng mga naka-bonet at naka-civilian na naghahanap sa kanya sa last location sa Cumbas View Deck sa Lian, Batangas na pag-aarinngkaibigang Grace Villaviray na arestuhin umano siya.

Ayon pa sa kuwento, naka-kotse ang mga kalalakihan na kahina-hinala ang ginamit na plate number ng gamit sa naturang sasakyan.

Naaalarma hanggang ngayon ang buong produksiyon dahil hindi naman biro ang ginawang set-up ng production team sa dalawang bayan sa Batangas para sa mga gagamiting eksena sa pelikula.

Nagkaroon din ng takot si direk Elaine dahil wala siyang alam na atraso sa kanino man para hanapin at arestuhin umano siya.

Kasalukuyang naghahanap ng ibang lokasyon ang buong production team para maiwasan ang anumang problema.

Natakot ako. Of course, hindi ko alam kung anong intensiyon nila and sabi pa ipapa-arrest ako? Wala naman akong kaaway o atraso. Gulat ako. 

“Roon talaga sila nagpunta sa last location namin sa may Cumbas View Deck. Hindi ko alam ang intensiyon nila,” bulalas ni direk Elaine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …