Friday , November 22 2024
Queen Vi Rodriguez ACT AGRI-KAAGAPAY

ACT AGRI-KAAGAPAY, nakiisa sa parada ng kalayaan 2024

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKIISA ang Act Agri-Kaagapay Organization, isang non-government organization na nagsusulong ng kapakanan ng maliliit na magsasaka, mangingisda, at indigenous peoples (IPs), sa idinaos na “Parada ng Kalayaan 2024” sa Luneta Grandstand, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng proklamasyon ng Araw ng Kalayaan kamakalawa.

Ang Act-Agri Kaagapay na may kabuuang 800,000 miyembro sa buong bansa ay sumusuporta sa iba’t ibang agricultural programs ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., upang palakasin ang agricultural production sa pamamagitan ng organikong pagsasaka, modernong mga kagamitan sa pagsasaka at mas mababang presyo ng lahat ng agricultural products.

Mismong si Act Agri-Kaagapay founder at president Virginia Ledesma Rodriguez, ang nanguna sa makulay na parada sa Luneta.

Si Ms. Rodriguez ay walang sawang bumibisita sa malalayong lalawigan at mga komunidad upang tumulong na mapataas ang kita ng maliliit na magsasaka at mabigyan ng pagkakakitaan ang mga kababaihan, sa pamamagitan ng paglikha ng mga programang pangkabuhayan, gaya ng “Gunting at Suklay” at produksiyon ng organikong pataba.

Si Ms. Rodriguez ay isang civic leader na nagsusulong ng konstruksiyon ng mas maraming farm to market road para mas madali at direktang maipagbili ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa mga mamamayan. Ang layunin niya ay malaking tulong upang mapababa ang presyo ng mga agricultural products para sa consumers, dahil hindi na ito kinakailangan pang dumaan sa mga middleman.

Bilang bahagi ng selebrasyon, nagpaabot si Rodriguez ng labis na pasasalamat at katuwaan dahil ilan lamang ang nabigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng Independence Day celebration ng Malacañang.

Ang Act Agri-Kaagapay ay isang NGO na binubuo ng mga eksperto mula sa academe, scientists, seasoned farmers, local leaders, former government officials, at stakeholders na naglalayong isulong ang inklusibong paglago ng pagsasaka sa pamamagitan ng modernisasyon at industriyalisasyon.

Maaaring makita ang iba pang aktibidad ng ACT-Agri Kaagapay sa Facebook page ni Rodriguez na Queen Vi Rodriguez.

About Nonie Nicasio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …