Sunday , December 22 2024
10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon kasabay ng pagdiriwang ika-126 Araw ng Kalayaan o Independence Day, 12 Hunyo 2024.

Pinangunahan ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano ang Kalayaan Job Fair na isinagawa sa SM Mall of Aisa Music Hall at dinaluhan din ni Cong. Tony Calixto, mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ibang opisyal.

“It is in this light that we all optimistic na sa job fair natin ngayon, maraming magkakaroon ng trabaho. At eventually, marami ang giginhawa ang buhay. This is our priority, kasama sa HELP program natin,” wika ni Mayor Emi sa kanyang mensahe.

Ayon sa organizer ng job fair, mahigit 10,000 vacancies ang alok na trabaho para sa job seekers mula sa 60 kompanya at employers na nakilahok dito.

Bukod sa trabaho, nagtayo rin ng iba’t ibang One-Stop-Shop kiosk ang mga national agencies para makatuwang ng mga naghahanap ng trabaho.

(EJ DREW)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …