Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame The EDDYS

2  malalaking event magaganap sa June 14

HATAWAN
ni Ed de Leon

SA Biyernes June 14, sinasabing ihahayag na ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) ang mga nominees nila para sa ikapitong The EDDYS na gaganapin sa Hulyo 7 na mayroong delayed telecast sa ALLTV sa July 14 at hindi sa isang pucho-puchong website lamang.

Sinisiguro rin nilang ang batikang director na si Eric Quizon, na siyang mamamahala ng kanilang awards night ay hindi makikialam sa pagpili ng mga mananalo, hindi magiging presentor ng awards kahit na may karapatan naman siya dahil siya ay sikat at kinikilalang actor at hindi magkakaroon ng litanya ng kanyang mga award na napanalunan kung sakali at mabanggit ang kanyang pangalan. Hindi naman kasi hungry for recognition si Eric.

Kasabay din niyon, sinasabi rin ng aming kaibigang si Leila Chikadora, na sa Hunyo 14 ay magkakaroon din ng official announcement ng Wilcom back. Ibig sabihin, ang pagbabalik ni Willie Revillame sa TV5kasunod ng noontime show na Eat Bulaga. Malaking bagay iyan dahil tiyak ang pagbatak niyan ng audience sa noontime television.

Iyan ang dalawang kailangan nating abangan sa Hunyo 14. Dalawang malalaking event iyan. Eh sa amin naman kasi ang inaabangan lang naming awards ay iyong The Eddys eh, kasi roon na lang kami may natitirang tiwala. Hindi na kami interesado sa ibang awards na alam naman nating ibang klase ang labanan at ang mga namumuno ay mga “working pro” na mga artista, kaya natural na ang kliyente nila ang pipilitin nilang manalo. Kung hindi man kung sino ang may pinaka-malaking “give.” May mga award namang palasak iyang ganyan kaya walang naniniwala sa mga iyan kundi iyong mga nanalo sa paraan man ng lagayan o ibang paraan.

Hindi naman maikakaila iyan dahil common knowledge na iyan sa showbusiness. Mayroon pa nga silang member na sinuspinde noon, “kasi hindi raw ibinigay sa kanila at kinaltasan iyong inilagay ng tatay niyong female star.”

Mayroon pa ngang tuwirang sinabi sa radio na naglagay siya pero na-double-cross siya ng mga kausap niya kasi may nag-give ng mas malaki. Pero hindi makasagot ang mga pinagsabihan, kasi totoo naman. Kaya kami, The Eddys na lang ang pinaniniwalaan namin eh kasi kilala namin ang integridad ng mga miyembro, at kung mayroon mang questionable riyan isa lang, kaya wala ring magagawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …