Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyong Jak-Barbie hindi kayang buwagin

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPAKA-HONEST ni Barbie Forteza, sa pagsasabing hindi naman masasabing siya lang ang nasusunod kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.

Siyempre ang nagpapatakbo ng kanyang career ay ang Sparkle at ang GMA 7. Siyempre kinokunsulta rin niya ang kanyang pamilya tapos sinabi niyang maging ang kanyang “partner” na si Jak Roberto ay hinihingan din niya ng opinion.

Paano nga ba ninyo mabubura si Jak kay Barbie ano man ang sabihin ninyo eh talaga namang magsyota sila. Hindi man sila ang magka-love team, hindi nasira niyon ang kanilang relasyon. Dumating naman kasi si Jak noong matured na ang takbo ng isipan ni Barbie.

Mukha ngang desidido na sila sa isa’t isa. Kaya ano man ang sabihin ng iba, o “harangan man nila iyan ng sibat” sina Jak at Barbie pa rin ang mananalo in the end.

Ganoon naman talaga ang dapat, mag-set ng hangganan ang isang artista kung ano ang totoo at kung ano ang sa career lamang. Maliwanag para kay Barbie na ini-love team lang sila ni David Licauco dahil naniniwala ang GMA 7 na mas may batak kung silang dalawa ang partners. Pero from the start naman maliwanag din sa GMA na hindi nila maaaring pakialaman ang tunay na relasyon nina Barbie at Jak. Wala na sila roon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …