Tuesday , June 18 2024
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ang pagkakaiba ni suspended Mayor Guo sa traditional politicians

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MARAHIL ‘balik farm’ muna si Bamban (Tarlac) Mayor Alice Guo. Ha!? Bakit naman? Siyempre, kailangan niya munang magpahinga o mag-relax.

Ikaw ba naman ang ma-stress sa mga pagdinig, siyempre kaunting pahinga ka muna kahit na papaano lalo na’t pinatawan ka ng anim-na-buwan preventive suspension ng Ombudsman.

Iyan lang naman ay kung maisipan ni Mayora na mag-relax muna sa farm.

Masarap kaya ang magpahinga sa farm — tahimik, sariwa ang mga  gulay at prutas at malayo sa polusyon.

Ano pa man, anang abogado ni Mayora sa isang radio interview, kahit suspendido ang kanyang kliyenteng si Mayor Guo, sisiputin pa rin nila ang mga pagdinig sa Senado. Tamang desisyon attorney –  mahirap din ang ma-contempt.

Maraming nakalkal na isyu patungkol kay Guo sa mga  pagdinig sa Senado – hindi lang ang patungkol sa POGO nakapokus ang imbestigasyon at sa halip ay sa pagkatao ng  alkalde lalo na ang kanyang citizenship.

Kamakalawa, pinatawan ng Ombudsman ng 6-month suspension ang alkalde – hindi patungkol sa kanyang  citizenship kung hindi kaugnay sa inihaing reklamo ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa alkalde sa sinasabing ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Bamban.

Base sa ulat sa ilang pahayagan, maluwag na tinanggap ni Guo ang ‘hatol’ sa kanya ng Ombudsman. Hindi siya umangal pero aniya’y patutunayan niyang siya ay inosente.

Quoting the statement of Guo sa mga naglabasan sa pahayagan… “Today, I received an order from the Ombudsman on my supposed six-month suspension. I agree with the process of the law and I accept the decision of the Ombudsman but I will fight for my case,” pahayag ni Guo sa kanyang Facebook page.

“I would like to reiterate my innocence and my honesty in serving our town and the people,” dagdag ni Guo.

Sa statement ng alkalde, ipinamalas niya ang kanyang pagrespeto sa Ombudsman – maluwag niyang tinanggap ang kautusan ng graft court. Meaning, hindi siya tumutol maging sa kautusan ng DILG. Pero aniya’y patutunayan niyang siya ay inosente.

Naalala ko tuloy ang  ilang traditional politicians. Kapag pinatawan sila ng preventive suspension – ayaw nilang sumunod sa kautusan kahit DILG na ang nag-utos base sa desisyon ng Ombudsman.

Ang nangyayari, kapit-tuko sila (traditional politicians) sa posisyon – para bang may kinakatakutan na mawala sa kanila, para bang may kinakatakutan na baka mayroon pang matuklasan laban sa kanila kapag pansamantala silang nawala sa posisyon, etc.

Kadalasan pang ginagawa ng ilang traditional politicians (karamihan sa lokal) — hinahakot ang kanilang supporters (kuno) para magprotesta sa harap ng kapitolyo o munisipyo para harangin ang taga-DILG na magdadala ng suspension order. Ganoon katigas ang ilang nasususpendeng local politicians. Kapit-tuko sa posisyon o di kaya bababa na lang kapag puwersahan silang binitbit palabas sa munisipyo o kapitolyo.

E, si Guo walang katutol-tutol. May delicadeza at paggalang sa kautusan ng Ombudsman maging sa DILG. Sana lahat ng leaders natin ay may delicadeza.

Abangan na lang natin kung ano ang magiging desisyon ng Senado kay Guo.  

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Dapat lang sibakin si Migz

SIPATni Mat Vicencio WALANG ibang dapat na sisihin sa pagkakasibak ni Senator Juan Miguel “Migz” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

General lie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PINAKAWALAN sa Shangri-La Dialogue ng pinakamatataas na opisyal ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pananakit ng grupong MANIBELA kay Gonzales, kinondena ng QCPDPC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang balita o nangyari kahapon sa kapatid namin sa pamamahayag …

YANIG ni Bong Ramos

First class citizens sa PH

YANIGni Bong Ramos DARATING daw ang araw na ang mga ‘Intsik’ na ang mga first …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mga may kapansanan laban sa estupido

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALANG tinig at pandinig, nagsama-sama para magkilos-protesta noong nakaraang …