Sunday , December 22 2024
Rachel Lobangco Sheree

Rachel Lobangco, nanghinayang dahil hindi nakapag-perform sa concert ni Sheree

ISA si Rachel Lobangco sa bumilib sa BFF niyang si Sheree sa ginanap naconcert nito titled L’ Art de Sheree last May 24 sa Music Museum. 

Kabilang dapat si Rachel sa special guest ni Sheree ngunit hindi siya nakapag-perform dahil sa injury na kailangang sumailalim sa medical procedure.

Sa ngayon ay nagpapagaling pa si Ms. Rachel mula nang naoperahan sa kanyang kaliwang tuhod. Kaya nanood siya ng concert ni Sheree sa Music Museum na nakasaklay.

Kuwento niya, “I just had a surgery last April 22 for my left knee, na-injure kasi ako sa fire show ko noong March 3 sa Boracay, na-twist ko iyong left knee ko and I found out the problem was… napunit iyong cartilage ng tuhod ko.”

Pagpapatuloy i Ms. Rachel, “Nanghihinayang ako, of course, na hindi ako umabot sa show ni Sheree. Kasi noong nasa Music Museun ako ay nasa 32nd day ko pa lang iyon. Pumasok naman ako sa fifth month, kasi sabi ng doctor ko 4 – 6 weeks lang sana. Pero apparently, hindi nga ako pumasok sa time frame na bigay niya.

“Nakahihinayang pero I need to be a little patient, kasi this is recovery period, e. Kapag hindi ko ito inayos nang husto, ‘yung healing, baka pumangit ‘yung lakad ko or baka hindi na ako makasayaw or baka hindi na ako makabalik sa usual sports na ginagawa ko like Muay Thai and polecats.”

Ano dapat ang production number na gagawin niya? “Dapat ang production number ko is to perfom with them, I’m one of the guests. Gagawin ko sana iyong led isis wings ko, iyon usually ang ginagawa ko kapag nasa indoor na venue at hindi ako gagamit ng apoy.

“I’m supposed to be performing kina Gwen (Garci), kina Zara (Lopez) and Jennifer Lee,” sambit pa ng mahusay na fire dancer.  

Aminado siya na nami-miss din niya ang pag-arte sa harap ng camera.

Pahayag ng seksing-seksi pa rin na aktres, “Siyempre naman, nami-miss ko pa rin iyong acting, hindi ba? Pero if babalik ako, of course mas gusto ko naman iyong worth going back for, hindi ba? Kaysa naman babalik ka tapos, just for the heck of getting a project, kahit ano na lang puwede.

“So, parang hindi naman ako yata sa ganoon… I still consider my acting as you know… Huwag naman iyong simple lang, sana ay worth it iyong pagbabalik,” nakangiting wika ng kilalang Shboom Girl na sumikat nang todo noong 1980 sa ads ng kilalang brand ng beer.

Ipinahayag niyang matagal na silang friends ni Sheree. “Yes, matagal na kaming magkaibigan ni Sheree. In fact, ako ang nag-convince sa kanya na bumalik sa pole dancing.

“So, she started dancing pole again, iyong mga panahon na hindi na niya alam kung ano ang gusto niyang gawin sa career niya. So, she was kinda feeling a little low. So, I told her, ‘Why don’t you do pole dancing?’

“So ayon, she started, she became interested and fell in love with it. So medyo lumalim ang artistry niya, pagdating sa pole,” wika ng aktres na kilala rin bilang Kokak Girl dahil ito ang title ng launching movie niya, opposite Gabby Concepcion.

Saludo siya sa mahusay na ipinamalas ni performance ni Shree sa Music Museum. “Alam mo grabe iyan, pinagpaguran talaga niya iyan, luha at pawis talaga ang inilabas niya riyan, aside from her, spending for her own concert.

“It’s really a hard work and pinag-isipan, pinagpawisan, and pinagdusahan na concert. Alam mo naman si Sheree, she’s a one-man band. As in, siya talaga nag-conceptualize, siya nag-isip, siya naghanap, lahat…

“And thank God, nang nagkaroon siya ng problema along the way, may nakatulong sa kanya, which is Regine, she saved the day. Three weeks before her concert, she had a little problem na of course, si Regine Tolentino ang tumulong.

“So, she deserved to have that kind of a show. Kasi alam mo, si Sheree naman talaga, she’s very talented, she’s a singer, she’s a dancer… and I mean, hindi lang simpleng dancing ha, skillful dancing talaga.

“Mahirap ang pole, mahirap ang hammock at mahirap ang hoop. Lahat ng ginagawa niya ay mahirap, specially the hoop and the hammock. Kasi nakita mo naman kung gaano kataas, hindi ba? Ang pinanggagalingan niya ay sa ceiling pa, ganoon kataas.

“Ang pole everybody could do it, pero ang hammock and hoop, napakahirap niyon,” pakli ni Rachel.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …