Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eva Darren FAMAS Sheena Palad Tirso Cruz III

Rivas iginiit walang palakasan sa FAMAS

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALA si Eva Darren sa script na ginamit niyong awards night ng FAMAS. At wala rin siya sa list ng presenters. Hindi totoo na hindi siya nakita, nakita siya pero wala siya sa list ng presenters. Sa unang script ay naroroon si Eva bilang presenter. Iyon din ang kopya ng script na ibinigay sa kanya para pag-aralan ng PRO ng FAMAS. Ang PRO ng Famas ang siyang naglagay kay Eva bilang presenter kasi ‘binentahan daw niya iyon ng tickets’ at sinabing isa nga siya sa presenters sa awards night. Pero simula noon nakadalawang palit na ng script dahil may mga kinumbidang hindi raw makararating. 

“Sa dalawang palit na scripts wala na si Eva pero walang tumutol sa kanila at nagsabing commitment nila iyon. Dahil wala silang objections sinunod ang script.

“Tatlong araw bago ang awards, naglabas din kami ng art card ng mga presenter wala rin si Eva Darren. Bago namin inilabas iyon hiningi namin ang approval ng FAMAS, pumayag sila, Wala si Eva Darren doon. Kaya maliwanag sa amin na walang commitment na si Eva Darren ang co-presenter ni Tirso Cruz III. Ang talagang dapat kasama ni Tirso Cruz III ay si Glaiza de Castro, pero hindi raw nai-clear iyon sa kanyang manager kaya hindi siya dumating naghanap kami ng alternative choice, nakita namin si Nova Villa. Pero tumanggi si Nova Villa dahil malabo na raw ang kanyang mga mata. Natural nagkakagulo na humanap ang stage manager ng biglaang kapalit, noon nakita si Sheena Palad na kinausap para samahan si Tirso Cruz III, pumayag naman siya. Walang kasalanan si Sheena roon,” mahabang paliwanag ni JohnRey Rivas.

Idiniin ni Rivas na walang palakasan doon. Pero nagkataong si Sheena Palad ay girlfriend ng kasamahan nilang si Johann Enriquez na isa rin sa mga host noong gabing iyon. Hindi maikakailang si Sheena ang napili nila dahil pamilyar na sila sa kanya, syota nga ng kasamahan nila eh.

Pero parang adding insult to injury, dahil parang sinabing talagang hindi sila interesadong gawing presenter si Eva Darren, kaya nga lang nabentahan siya ng tickets ng pro ng Famas. Mas palpak pakinggan iyan ha. Ibig sabihin pala kahit na si Dagul kung bibili ng tickets ng FAMAS maaari nilang gawing presenter? Ilang tickets kaya ang binili ng mga wala namang kinalaman sa showbusiness na binigyan nila ng awards noong gabing iyon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …