HATAWAN
ni Ed de Leon
BINABATI namin ang SPEEd o ang Society of Philippine Entertainment Editors dahil maaga pa ay pinaghahandaan na nila ang kanilang awards. Sila mismo ang nag-aasikaso at nagpagawa ng kanilang tropeo sa actor na si Leandro Baldemor.
Ngayon pa lang inaayos na nila ang programa at ang tv coverage ng kanilang awards na muli nilang ipadidirehe kay Eric Quizon at ipalalabas ng live sa AllTV Channel 2.
Malayo pa inaasikaso na nila lahat ng mga detalye kailangan ganyan para hindi nagkakaroon ng kahihiyan sa awards night.
Siyempre mga professional naman silang lahat, hindi sila dapat gumaya sa mga amateur na hindi alam kung paano ang tamang handling ng isang awards night. Kung sa bagay ang EDDYS naman simula pa noong una ay by invitation ang awards night, hindi sila nagbebenta ng tickets sa mga artista at iba pang gusto nilang padaluhin sa kanilang awards.
Natural professional ang handling nila, dahil hindi lamang sila pati ang mga diyaryong kanilang pinaglilingkuran ay mapupulaan kung sila ay pumalpak. So far wala pa namang palpak ang SPEEd simula noong una pa at walang nababalitaang anumang anomalya sa kanilang awards.