Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerald Napoles Kim Molina KimJe Seoulmeyt

Halikan ng KimJe sa Seoulmeyt tumagal ng 17 minuto, pang-Guinness

TAWANG-TAWA at halos ipatigil na nina Jerald Napoles at Kim Molina ang last scene na halikan ng kanilang pelikulang Seoulmeyt noong premiere night, Martes ng gabi sa SM North Edsa.

Talaga naman kasing agaw-eksena ang halikang iyon na inabot na ang closing credits ng pelikulang pinamahalaan ni Darryl Yap.

Kaya no wonder, nakadagdag iyon para sobrang kilig nina Diwata at  Otlum na nanood sa premiere night dahil inimbitahan sila ni direk Darryl.

 Hindi nga napigilang maalangan si Kim habang pinanonood ang naturang halikan na umabot ng 17-minutes kaya pinatitigil na niya iyon. Panay ang sigaw at tayo nito mula sa kinauupan ng, “tama na po!” sabay ang pagtatakip ng mata.  

May nakapagsabi ngang pang-Guinness ang laplapang iyon ng magkasintahan.

Hindi lang naman ang kissing scene ang ikatutuwa ng mga manonood dahil kapag KimJe tiyak na hahalakhak kayo dagdag pa ang direktor na kuwela ring si Darryl.

Palabas na sa mga sinehan nationwide ang Seoulmeyt na kinunan ang malaking part ng pelikula sa Korea kaya naman dinala nila ang Korean vibes sa SM North cinema para ma-feel din ng mga dumalo sa red carpet premiere night ng movie ang ganda ng naturang lugar. Punompuno ang labas ng sinehan ng beot-kkot o cherry blossoms.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …