Friday , November 22 2024
Bong Revilla Jr Bryan Revilla

Sen. Revilla, Agimat Partylist saludo sa volunteer groups na handang magsakripisyo sa bayan

INIHAYAG ni Agimat Partylist Rep. Brian Revilla at maging ang tanggapan ng kanyang ama na si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang kahandaang damayan o tulungan ang mga organisasyong handang maglingkod sa bayan nang hindi umaasa ng salapi o kapalit at kayang isakripisyo ang buhay mapanatili lamang ang katahimikan at kaligtasan ng komunidad.

Sa kanyang pagdalo sa 11th Founding Anniversary ng Public Assistance for Rescue, Disaster and Support Services – Foundation International Inc., (PARDSS-FII) bilang kinatawan ng kanyang amang si Revilla, na hindi nakadalo matapos sumailalim sa medical procedure para sa kanyang paa, sinabi ng batang Revilla, saludo silang mag-ma sa dedikasyon ng PARDSS sa pagtulong sa bayan nang walang anomang kabayaran kundi ang kanilang kabayanihan.

Dahil dito, bilang pagkilala sa sakripisyo ng grupo, bukas ang tanggapan nilang mag-ama para maghatid ng tulong sa mga miyembro nito na nangangailangan ng tulong tulad ng medical assistance at iba pa.

Hinikayat ni Congressman Revilla a huwag mahiya na magbigay ng suhestiyon para sa higit silang makapaghain ng makabuluhang  panukalang batas na paborable sa mga volunteer organization.

Iginiit ng batang Revilla ang kanyang pagsusulong ng panukalang batas para sa insentibo ng mga volunteer organization na nagsasakripisyo para sa mga kababayan at sa bayan.

Kaugnay sa pagpasok ng La Niña o tag ulan na nararanasan sa kasalukuyan kasangga niya ang kanyang amang senador sa panawagan sa Department of Public Works and Highways ( DPWH) na tiyaking maayos ang mga impraestruktura ngayong tag-ulan upang maiwasan ang mga pagbaha at landslides sa kanayunan.

Gayondin, kasama ng kanyang ama, nanawagan sila sa local government units (LGUs) na tiyaking malinis at hindi barado ang mga drainage upang maiwasan ang mga pagbaha pagsapit ng tag ulan.

Nanawagan si Revilla sa mga mamamayan na itapon sa tamang lugar ang mga basura at hindi sa mga kanal at ilog.

Nais ni Revilla, bilang Chairman ng Senate committee on public works na matiyak ang kaligtasan ng publiko sa sandaling dumating ang La Niña at tag-ulan.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …