INILABAS na ng Puregold ang music video ng bagong kantang Nasa Atin ang Panalo matapos ang ilang linggong pagtaas ng antisipasyon at pagpapatikim sa kani-kanilang social media.
Inilabas ang awitin noong Mayo 25, na nabuo mula sa kolaborasyon ng apat sa pinaka-inaabangang talento sa musika: SB19, BINI, SunKissed Lola, at Flow G.
“Itong apat na mga talentong ito ay pinakabigatin ngayon sa mundo ng musikang Pilipino. Isang mahusay na oportunidad ito na patibayin ang mensahe ng Puregold,” ani Vincent Co, Presidente ng Puregold Price Club, Inc.
“Ipinagmamalaki namin ang kanilang mga tagumpay at patuloy naming iaangat ang talento ng mga Filipino. Habang inaabangan namin ang ika-500 na tindahan, isang pribilehiyo na mailarawan ng mga artistang Pinoy ang pinahahalagahan namin bilang kompanya,” sabi pa.
Tampok sa music video ang apat na mga talento na kumakanta at sumasayaw sa isang stylized Puregold store. Itinatanghal nila ang iba’t ibang talento: pag-harmonize, pagsayaw sa mahusay na choreography, mga instrumental na solo, at sa kaso ni Flow G, pagsulat at pag-rap ng sariling mga berso.
Higit sa hindi kapani-paniwalang pagsasama-sama ng apat na tanyag na mga musikero sa iisang music video at kanta, ipinagdiriwang din ng Nasa Atin ang Panalo ang mga taong nasa likod ng Puregold. Kasamang sumasayaw sa music video ang mga araw-araw na mamimili at mga staff na sinisigurong tumatakbo ng maayos ang Puregold. Pati si Aling Puring, nagpakita at nakisayaw din at nagpakita ang talentong Filipino.
Kuhang-kuha ng kanta ang esensya ng “Panalo” na inilalarawan ang mahabang kasaysayan ng Puregold sa industriya ng retail. Higit doon, inaawit din nito ang kuwentong panalo ng mga artistang kasama sa paglikha ng kanta, na lumahok sa proyektong ito kaakibat ang kanilang mga naratibo ng tagumpay.
Patunay ang tuloy-tuloy na pag-angat ng SunKissed Lola sa kanilang pagtindig sa pagsasakatuparan ng kanilang mga pangarap. Paalala naman ang pag-unlad at coming-of-age na paglalakbay ng BINI ng halaga ng pagbabago sa paglipas ng oras. Halimbawa naman ang determinasyon at pagsulong ni Flow G ng determinasyon sa harap ng patuloy na mga hadlang. Ang kuwento ng SB19, na puno ng mga tagumpay at pagsubok, ay makapangyarihang larawan ng abilidad na harapin ang bawat bagong araw.
Pinagsasama-sama ng kanta ang lahat ng ito, na malapit nang mapakinggan sa mga streaming platform gaya ng Spotify.
Subalit hindi pa tapos ang pananabik ng mga Pinoy Pop fan, marami pang dapat abangan. Nagpatikim na ang apat na mga artistang ito ng mga solo track na ilalabas din kasama ng Puregold sa mga susunod na linggo. Bawat kanta ay mas lulubos pa sa indibidwal na mga kalidad na naghatid sa bawat musikero sa kanilang mga pangarap na “always panalo.” Hinihikayat ang mga tagasunod na sumubaybay sa mga social media account ng Puregold.