Friday , November 15 2024

Bagsik ni Aghon ihahasik pa bago lumabas ng PAR

052724 Hataw Frontpage

HATAW News Team

INAASAHANG titindi pa ang bagsik na ihahasik ng bagyong Aghon habang papalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) matapos ang walong pagbagsak mula nitong nakaraang Biyernes, 24 Mayo 2024, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Dakong 4:00 pm kahapon, si Aghon, may international name na Ewiniar, ay higit na nagpakita ng lakas bilang ‘severe tropical storm.’

Tinatayang lalabas sa PAR si Aghon sa Miyerkoles ngunit maghahasik pa ng bagsik, ayon kay PAGASA senior weather specialist Benison Estareja.

“By Tuesday morning, it is expected to be 415 kilometers east of Calayan, Cagayan and then to move northeastward, and by Wednesday morning, it will already be 1,000 kilometers east-northeast of extreme Northern Luzon,” aniya.

Idinagdag ni Estareja, sa hapon ng Miyerkoles, 29 Mayo, si Aghon ay inaasahang nasa labas na ng PAR.

Aniya, lumakas pa si Aghon sa Sariaya,

 Quezon na may hanging 75 kilometro kada oras (km/h)  malapit sa gitna, may bugsong hanggang 125 km/h, habang kumikilos patungong timog-kanluran sa bilis na 10 km/h.

Naitala ang unang landfall ni Aghon dakong 11:20 pm, 24 May, sa Homonhon Island, Eastern Samar; sa Giporlos, Eastern Samar, 12:40 am, 25 Mayo; Basiao Island sa Catbalogan, Samar, 4:00 am; Cagduyong Island, Catbalogan, 5:00 am; Batuan, Masbate, 10:20 am; Masbate City, 10:45 am; Torrijos, Marinduque, 10 pm, at Lucena City, Quezon, 4:00 am, 26 Mayo.

Sa pinakabagong bulletin kahapon dakong 5:00 pm, itinaas sa signal No. 3 ang bagyo sa silangang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.

Itinaas ang signal No. 2 sa Aurora, sa kanluran at gitnang bahagi ng Quezon, sa Laguna, silangang bahagi ng Batangas, silangan at gitnang bahagi ng Rizal, at kanlurang bahagi ng Camarines Norte.

Samantala, ang signal No. 1 ay itinaas sa silangang bahagi ng Isabela, silangang bahagi ng Quirino, sa silangan at katimugang bahagi ng Nueva Ecija, katimugan ng Bataan, silangang bahagi ng Pampanga, Bulacan, Metro Manila, at sa kabuuan ng Quezon, Rizal, at Batangas, sa kanluran at gitnang bahagi ng Oriental Mindoro, Marinduque, kanlurang bahagi ng Romblon, at sa kabuuan ng Camarines Norte, at Camarines Sur.

Ani Estareja, posibleng dumaan si Aghon sa Laguna, Rizal, at silangang bahagi ng Bulacan, Aurora at Polillo islands.

Magdadala si Aghon ng 100 – 200 millimetro ng ulan sa Aurora, Bulacan, Rizal, Laguna, Metro Manila, Camarines Norte hanggang ngayong araw, Lunes, 27 Mayo.

Habang, 50 – 100 millimetro ng ulan ang inaasahan sa silangang Isabela, Nueva Ecija, at sa buong Bulacan, silangang Pampanga, Batangas,  Oriental Mindoro, Romblon, Burias Island, Masbate, western Camarines Sur, Cuyo island, Palawan, Aklan, at Antique.

Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha at pagguho sa mga apektadong lugar.

“These include those areas in Pasig and Marikina as the Marikina River may overflow. The next 24 hours will be crucial in terms of rains brought by Aghon,” aniya.

Itinaas ang babala sa baybayin ng Aurora, Quezon at Marinduque, sa katimugang baybayin ng Batangas, at kanlurang baybayin ng Camarines Norte.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …