Sunday , December 22 2024
Sheree Bautista L Art de Sheree

Sheree, may pa-sample ng Pinay style burles at buwis-buhay number sa L’ Art de Sheree 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULING magpapa-sample ng talento si Sheree ngayong Friday (May 24, 2024, 8pm) sa Music Museum sa kanyang concert na L’ Art de Sheree.

Ibang Sheree ang mapapanood dito. Sa mga hindi aware, si Sheree ay isang multi-talented artist. Bukod sa pagiging aktres, siya ay singer, composer, pole dancer, painter, at disc jockey. 

Pahayag ni Sheree, “This will gonna be a different Viva Hot Babes ang mapapanood nila. Kasi magiging theater sila, theater na ang Viva Hot Babes for this L’ Art de Sheree.

“Ang concept talaga of this show is more of theater, burlesque and Broadway, so iyon talaga ang Cirque du Soleil (Circus of the Sun). So iyon po ang type of music natin (doon). We will be featuring music from the 1920’s, 1960’s and up to now. So it’s like ano, era, but not Taylor Swift era,” nakangiting wika ng dating Viva Hot Babe.

Kaabang-abang ang mga gagawin ni Sheree rito, kabilang na ang buwis-buhay aerial stunts.

“For this concert, I am telling a story, my whole career, what I went through. At the same time I am showcasing my skills and my music of course. I trained very hard for years, I thought of adding skills to my music, this might be the first you will see me singing while pole dancing. There will be a lot of buwis buhay stunts,” aniya pa.

Makikita rin ang mga ginawang paintings ni Sheree sa loob ng Music Museum. “Kasi I’m featuring also my paintings, kaya pagdating nyo sa Music Museum ay makikita nyo itong naka-display.”

Umaabot daw ng P300k, P400k, up to P1 million ang halaga ng paintings ng aktres na puwedeng bilhin dito.

“Actually, iyon din ang ginagawa ko talaga, the reason why I produce this show and at the same time, iyong goal ko rin talaga is to help also, not just do a show.

“I’m also supporting a charity, so hopefully after the concert, hopefully the casts can join me and visit our lolas in Abandoned Grandmas in Laguna. Sila po ang beneficiary, painter din po kasi iyong sister doon na nagbabantay. So, nakakatuwa lang na nakaka-resonate ako sa kanila.”

Directed by Jet Loveria, with musical direction by Bobby Velasco, creative direction by Egai Bautista, and choreography by Earl Baer, makakasama ni Sheree rito ang Speed Dance Company, ilang member ng Viva Hot Babes, Gian Magdangal, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …