ni Ed de Leon
NATAWA kami sa kuwento ng isang male star na gumawa at sumikat sa isang gay series. May ginagawa kasi siyang bagong serye sa ngayon at ang kasama niya ay isang poging male starlet na nakagawa na rin naman ng gay series. Pero ang image ni pogi, playboy hinahabol ng mga babae bukod sa mga bading at ang image talagang straight.
Pero sabi sa amin ng male star, “aminin mo na bading iyan. Kasi naramdaman ko roon sa isang eksena namin mukhang tinablan at may nadidikit sa aking unusual ang tigas, tapos tinototoo niya ang kissing scene kahit na puwede namang dayain.”
Alam kasi ng male star na kilala namin ang tinutukoy niyang poging male star na bading. Kami rin naman may suspetsa na noong araw pa, pero kasabihan nga hanggang hindi mo nakikita sa akto maniniwala ka ba?