Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ralph Dela Paz

Coco at Ruru gustong makatrabaho ni Ralph Dela Paz

MATABIL
ni John Fontanilla

PAGKALIPAS ng ilang taon ay nagbabalik showbiz ang aktor, stage actor, at commercial model na ngayon ay successful businessman, si Ralph Dela Paz, owner ng isa sa pinakamasarap na siomai sa Pilipinas ang , Siomura na mayroon ding noodles. 

Pansamantalang iniwan ni Ralph ang showbiz at nag-focus sa kanyang pag-aaral, at nang gumradweyt ay nagbukas ng sariling business, ang Siomura.

Ilan sa mga nagawa nitong proyekto bago nag-lie low noon sa showbiz ang Valor World War II na siya ang bida at  ginampanan nito ang role bilang si Col. Emmanuel V. De Ocampo at nanalo ng award sa Japan, at nagbida rin ito sa Ang Tweet Ni Florante ka’y Laura with Teejay Marquez and Venus RajFlying KissSalamin, Promdi, at Siklo with Kiko Estrada.

Nakasama ri  ito sa mga  teleseryeng Sa Piling Ni NanayDestined To Be Yours sa GMA 7, at Bukas May Kahapon sa IBC 13.

At ngayon, handang-handa na muling sumabak sa acting si Ralph at sana raw ay mabigyan siyang muli ng proyekto, mapa- pelikula, stage play o teleserye.

Ilan sa dream nitong makatrabaho sina Coco Martin na nagsisimula pa lang daw sa showbiz si Ralph ay idolo na niya at ang Kapuso actor na si Ruru Madrid na kapatid niya sa Iglesia ni Kristo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …