Saturday , December 21 2024
Vilma Santos Bryan Dy

Bryan Dy ng Mentorque Productions, dream come true na gumawa ng movie with Ms. Vilma Santos

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA NAGDAANG Barako Fest 2024 ay nabanggit ni Bryan Dy ng Mentorque Productions na plano niyang gumawa ng pelikula na pagbibidahan ng Star For All Seasons na si Ms. Vilma Santos.

Kinompirma ito ni Ate Vi, na sinabi rito na nag-pitch ng dalawang project sa kanya si Sir Bryan at pinag-aaralan daw ito ng award-winning actress.

Three days ago ay nakita namin ang FB post ni Ate Vi kasama sina Direks Antoinette Jadaone at Dan Villegas. Plus, isa pang photo na kasama naman ni Ate Vi sina Sir Bryan, direk Omar Sortijas, at iba pa.

Kaya nag-chat kami sa Mentorque Productions top honcho kung matutuloy na ba finally, ang planong gumawa ng movie ang former public servant at mahusay na veteran actress sa kanyang movie company.

Reply sa akin ni Sir Bryan, “Hi Tito good morning, Nasa early stage pa ‘yung sa amin and gusto namin na talagang lutong-luto na iyong movie with VSR.

“Holistic approach, kaya more on focus kami sa quality ng pelikula with Ate Vi. Ang dami rin niyang insights that were so honored na isini-share niya sa amin.”

Sino ang leading man ni Ate Vi? Posible kayang makasama niya rito ang mga anak na sina Luis Manzano or Ryan Christian Santos Recto?

Matipid na tugon niya, “Then sa mga makakasama niya… sisiguraduhin naman naming walang tulak kabigin sa kanila.”

Sa amin pang huntahan, nabanggit din ni Sir Bryan

na dream come true ito para sa kanya na makagawa ng movie si Ms. Vilma sa kanyang production.

Aniya, “Yup, it’s a dream na makatrabaho ang isang Vilma Santos. Kaya ako, aral nang aral din. Kasi her brand value is way bigger than any film that she will be doing moving forward.

“Kaya ‘yung pagiging metikuloso at detalyado, kailangan mo rin mag-adapt. Kaya ako sobrang masaya, we were able to sit down together na sa wakas,” masayang pahayag ng masipag na movie producer.

Ang pelikulang Mallari na pinagbidahan ni Piolo Pascual at naging malaking tagumpay ay inaasam ng marami na magkaroon ng part 2, posible kayang mangyari ito?

“Iyong Mallari Part 2 is always there, open ako riyan at sinadya namin na talagang mayroon siyang part 2. Hehehe,” deretsahang pagkompirma ni Sir Bryan.

Sa aming panayam sa kanya, sinabi ni Sir Bryan na marami siyang natutuhan sa pelikulang Mallari at sa partnership sa pagitan ng Hollywood film studio na Warner Bros at Mentorque. 

Kitang-kita rin ang hangarin niya na makatulong sa local showbiz industry ng bansa.

Aniya, “Alam n’yo, our film industry is struggling, ako ang dami kong natutuhan when we went to Hollywood.

“So, were trying to apply, step by step, hindi ba? Kung paano ba natin mae-export… Kasi kaya naman tayo gumagawa ng pelikula… well, we have the Filipino audience. Pero matagal na nating struggle e, we wanted to breakout also to the world, hindi ba?”

Pahabol ni Sir Bryan nang usisain kung ano pa ang mga nakaplanong projects nila, “Halos kung anoman ang kinita namin sa Mallari ay ibinabalik ulit namin dito sa industriya. To make sure na, were hoping na mas maraming trabahong maibigay…”

Anyway, matatandaang naging comeback movie sa last MMFF ni Ate Vi ang When I Met You in Tokyo with Christopher de Leon. Sa pelikulang ito ay muling nakakopo ng ilang Best Actress award si Ate Vi, na patunay na wala pa rin kupas ang kanyang galing sa pag-arte.

Kaya tiyak na ngayon pa lang ay excited na nag-aabang na ang sandamakmak na loyal fans at supporters ni Ate Vi sa gagawin niyang pelikula sa Mentorque Productions.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …