Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia Anne Curtis

Joshua sa pakikitambal kay Anne, nakatitiyak pagganda ng career   

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAS mabuti pa ang lagay ngayon ni Joshua Garcia, at least mayroon siyang isang serye na kasama si Anne Curtis. Tiyak na mayroon siyang pansalo kung sakali man at hindi kagatin ang tambalan nila ni Julia Barretto. Kung wala iyang serye nila ni Anne marami ang humuhulang pagkatapos ng pagtatambal nila ni Julia malamang na balolang ang career ni Joshua sayang naman dahil papataas ang career niyong bata.

Aminin na natin naglupasay ang isang pelikula ni Julia kahit na nagpa-sexy. Hindi siya nakalusot na gaya ng tiyahin niyang si Gretchen Barretto na kinilalang ST Queen noong panahon niya.

Itinambal din siya kay Aga Muhlach at naglupasay din naman sa takilya ang pelikula. Maliwanag na sa ngayon tagilid ang career ni Julia at si Joshua ang kailangang magdala sa kanya. Eh kung hindi makayanan ni Joshua at tumagilid din? At least may pambawi siya ngayon dahil may serye siyang kasama si Anne. Bukod sa ang serye nila ay isang remake ng isang hit Korean series, hindi natin maikakaila na malakas ang batak ni Anne. Kung natatandaan ninyo, nagsimulang tumaas ang popularidad ni Marco Gumabao nang makasama si Anne. Nabalolang lang naman ang career ni Marco nang ipartner kay Sharon Cuneta sa isang Vivamax movie na tinalo pa ni Angeli Khang.

Kaya iyang si Joshua ngayon panatag na ang loob niyan. Mabatak man siya pababa ng project nila ni Julia, tiyak na mababatak naman siya pataas dahil may project siyang kasama si Anne.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …