Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla

Kylie inamin mahirap pagiging single mother

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY post si Kylie Padilla noong Mothers’ Day, kasama ang dalawa niyang anak. Inamin niya mahirap ang maging single mother sa kanilang dalawang boys. Hindi nga raw niya malaman kung minsan kung tama ba o mali ang pagpapalaki niya sa kanila, kung masyado ba siyang mahigpit o maluwag naman sa disiplina. Iba nga naman iyong may katuwang ka sa pagpapalaki ng mga anak mo.

In the first place, ang pagpapalaki naman sa mga anak ay dapat na magkatuwang ang mga magulang, ang tatay at nanay. Kung wala ang isa, tiyak iyan may kulang.

Pero ano nga ba ang magagawa pa ni Kylie eh hiwalay na sila ng kanyang asawa at si Aljur Abrenicanaman ay may kinakasama ng iba.

Natural hindi lamang sa material support nag-iisa si Kylie, ganoon din sa moral support sa kanilang mga anak. Pero malakas din ang loob ni Kylie, at maganda namang may napaghuhugutan pa rin siya ng material support na kailangan niya para sa kanyang mga anak. Ngayon nagsisimula na namang gumulong ang kanyang career kaya tiyak makaka-survive naman siya at ang mga bata. Pero talagang mahirap iyon.

Pero kung mahirap ang mag-isa, mas mahirap naman kung nagsasama pa sila na hindi naman sila nagkakasundo. Mas masama iyon hindi lang para sa kanila kundi ganoon din sa mga anak nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …