Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Running Man Ph

Miguel kinabahan, nag-alanganin sa mga ka-runner

RATED R
ni Rommel Gonzales

AMINADO si Miguel Tanfelix na sa umpisa ay kinabahan siya kung magiging ka-close niya ang mga kapwa niya runners sa season 2 ng Running Man Philippines.

Si Miguel ang bagong runner sa show.

Lahad ni Miguel, “Kinabahan po ako kung paano po ako magpi-fit sa grupo. Kasi ako, may pagka-introvert.

“Minsan nahihiya ako kumausap ng mga tao.

“Pinanood ko ‘yung buong Season 1, na-intimidate ako sa kanila kung gaano sila ka-close.

“Iniisip ko kung paano ako papasok sa grupo nila. Pero bago lumapag ng Korea, nasa eroplano ako noon, sinabi ko sa sarili ko na, ‘Bahala na lang!’

“Bahala na, tapos i-trust ko na lang sila kung paano nila ako tatanggapin, no expectations. Na kumbaga, dapat ganito, dapat ganyan.

“Basta, kung ano ang mangyari sa Korea, bahala na si Batman.

“Buti na lang naging very welcoming sila sa akin. Kaya at least, naging masaya ‘yung 43 days.”

Ang iba pang runners na nanggaling na rin sa season 1 ay sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy De Santos, at Angel Guardian.

Bongga ang Season 2 dahil special guest sina Sandara Park, Nancy McDonnie, at Haha ng Running Man Korea.

Guest din sina Josh ng SB19Unis members Gehlee at Elisa, Pinoy athletes Eric “Eruption” Tai and Mark Striegl, award-winning actress Alessandra de Rossi, at Kapuso stars Rochelle Pangilinan, Herlene Budol, Paul Salas, Archie Alemania, Michael Sager, at Bianca Umali, at ang Season 1 Original Pinoy runner na si Ruru Madrid.

Mapapanood na ito tuwing Sabado at Linggo simula May 11, 7:15 p.m. at May 12 7:50 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …