Saturday , November 16 2024
FranSeth Francine Diaz Seth Fedelin

FranSeth wala pang dating, imposibleng mapalitan ang KathNiel

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKU ewan ko ba, iyon naman daw FranSeth ang siyang papalit sa KathNiel. Bakit nga ba aligagang-aligaga silang makahanap agad ng ipapalit nila sa KathNiel? Kung iyang FranSeth naman ang ilalaban ninyo, ano na ang mangayayari roon sa DonBelle? Iiwan na ba ninyo matapos na maglupasay ang kanilang pelikula? Hindi na ba sila bibigyan ng second chance?

Nangyayari iyan dahil sa kanilang mga suntok na buwang love team. Hindi nila pinag-aaralan. Hindi nila sinusubukan muna kung kakagatin nga ba ng publiko.

Basta puro na lang sila puri nang puri at tapos maniniwala silang sikat na ang love team na kanilang nabuo. Huwag ninyong pagbatayan iyang mga mall show at iyang mga out of town event. Sa ganyang mga event kahit na sino na medyo maputi at may hitsura, sukdulang saliwa ang boses titilian. Ganoon naman sa mga probinsiya at sa mga nanonood ng free shows sa mga mall. Hindi magandang batayan iyan.

Bibigyan na namin kayo ng isang magandang example, may isang male star na kung sabihin sikat na sikat na sa mga mall show. Talagang pinagkakaguluhan siya saan man magpunta at ang sinasabi, sa mga mall na siya may shows nabibiling lahat ang kanyang mga CD sa mga music stores. Iyon pala may hakot na taga-tili ang kanyang manager na binabayaran ang mga tumitiling fans ng P200 at may pakain pa. Tapos doon naman sa mall mayroon siyang taong nag-iikot at pinapakyaw lahat ng CD ng male star. Nang mawala ang kanyang benefactor nawala na ang mga mall show niya, natambak na rin ang mga hindi mabiling CD na kasama na sa tambakan ng tatlo-P100 kung ibenta. Wala na rin ang tumitiling fans. Wala nang nagbabayad at nagpapakain eh.

Kaya hindi batayan iyan para masabing sikat na ang isang artista. Para makita ang totoong public support ng publiko sa mga artista hintayin muna kung kumikita ba ang pelikula, o kung may concert, may nanonood ba? Hindi rin maaaring asahan ang ratings niyang mga tv show, nadodoktor naman iyan eh. Maaaring ang estasyon ay mag-promote kasabay ng survey para kung magkatanungan sabihing sila ang pinanonood kahit na hindi.

Sa tingin din namin, wala pang dating iyong FranSeth. Nasasabit pa sa mga controversy gaya niyong nangyari sa San Jose, Mindoro. Nabisto pa tuloy na hindi naman pala live ang kanta niyong Francine Diaz kundi sumusunod lamang sa isang plus one. Halata eh malakas ang boses kung nagsasalita lang, mahina sa kanta. Kasi hindi na na-balance ng humahawak ng sound system ang microphones kasi bigla nga siyang sumisingit.

Ang dami pang artista ng ABS-CBN, na hindi na nga nila mabigyan halos ng trabaho dahil nalulugi na sila, ngayon may nag-invest sa kanila, iyong anak ni Loren Legarda na mahigit na P36-B ang isinosyo sa kanila. Gamitin naman nila iyan para mabigyan ng break iyong mga may talent talaga at hindi kung sino lang ang paborito nila. Huwag na nilang isugal ang perang iyan sa kung sino-sino lamang artista na hindi naman sisikat. Basta naubos na naman iyan saan na naman sila hahanap ng bagong puhunan? Buti nga may nagtiwala  pa sa kanila kahit na ang kompanya ay baon na sa utang sa tatlong banko. Pero ngayon naman siguro mababayaran na nila pati ang mga utang nila sa banko. At kung maaayos na  nila ang titulo ng kanilang lupa, at mapatayuan na iyon ng condo baka sakaling mas makabangon pa sila, pero kung hindi sa kalagayan nilang wala silang prangkisa at nagba-blocktime lamang sa ibang estasyon para mailabas ang kanilang mga programa. Mag-isip muna sila.

About Ed de Leon

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …