Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na skincare supplement ng female businesswoman na si Anna Magkawas.

Aniya dahil nagamit na niya ang mga produkto, alam niya kung ano ang kaibahan nito sa ibang skincare products.

Mahilig ako sa oral, presentation, bata pa lang, anything oral parang kaya ko ‘yan, charot,” ang tumatawang tsika ni Vice.

“‘Yun nga, noong una parang it’s alien to me, ‘yung thought na oral sunblock, parang hindi ko pa siya naririnig, hindi pa ako masyadong aware or exposed sa konsepto, kaya sabi ko, ‘Ay parang ang bongga!’

Kasi just like me ang dami kong gustong i-try na mga bago, risk taker ako eh, gusto ko marami akong i-try, ayoko niyong nahuhuli ako o kaya it’s either makasabay ka sa panahon o mauna ka or ikaw ang mag-i-introduce ng mga bagong bagay sa mga taong nakapaligid sa iyo.

“So, bago siya sa akin tapos tinry ko siya tapos in-explain niya sa akin, sabi ko, ‘Puputi ba talaga ako?’

“Sabi niya, ‘Hindi naman kasi rin talaga iyon ‘yung ano, hindi kasi ‘yun ang purpose ng paggamit ng produktong ‘yan’

“Kumbaga ‘di ba mayroong superficial na idinudulot sa iyo, mayroong skin-deep na idinudulot sa iyo. Ito hindi lang panlabas ‘yung pinoprotektahan sa iyo at saka hindi lang panlabas ‘yung pinagaganda sa iyo, inaalagaan ka rin niya sa loob.

“And andoon ako sa punto ng buhay ko na gusto ko namang mayroong nag-aalaga sa akin sa loob, hindi lang sa panlabas ang napapaganda sa akin, ‘yung mayroon siyang epekto sa kaibuturan ko.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …