Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWAN
ni Ed de Leon

HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez.

Isipin ninyo, 26 years na pala ang nakaraan matapos ang napakasayang kasalan nila noon sa Leyte. At ang nakatutuwa, simula noong magsama sila ay hindi kailanman nabalitang nag-away silang mag-asawa o may hindi napagkasunduan. Masuwerte rin naman sila sa kanilang anak na si Juliana.

Hindi sila gaya ng ibang mag-asawa riyan na pilit mang itago ang problema ay hindi pa rin maiwasan na kung minsan may mga sumisingaw na hindi maganda. Iyang pagpapakasal nina Goma at Lucy ay masasabi nating isa sa pinakamatagumpay na pag-aasawa sa showbusiness. Talagang pinangatawanan naman ni Goma na hindi na siya tumingin sa iba kahit na may nanunukso pa. Mahirap na nga namang makahanap ng kagaya ni Lucy. At sa totoo lang naman sa lahat ng naging syota ni Goma nakalalamang si Lucy. Sa parte naman ni Lucy, si Goma naman yata ang unang nanligaw sa kanya kaya ok lang.

Nakatutuwa iyong mga mag-asawang ganyan, wala kang naririnig na hindi magandang balita, o kahit na anong tsismis. Tapat kasi sila sa isa’t isa at hindi sila plastic. Maganda si Lucy at napakaganda rin naman ni Juliana, suwerte  si Goma.

Pogi naman si Goma, at kahit na may nanunukso pa ay pinatunayan niyang faithful siya kay Lucy, at mahal na mahal niya ang kanilang anak, suwerte rin si Lucy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …