Sunday , December 22 2024
Vilma Santos Christopher De Leon When I Met You in Tokyo 

When I Met You in Tokyo nina Boyet at Vilma ipinalalabas sa ilang lunsod sa Japan

HATAWAN
ni Ed de Leon

ABA nakailang screening na sa mga sinehan sa iba’t ibang lunsod sa Japan ang When I Met You in Tokyo at gustong-gusto iyon ng mga OFW na karamihan ay nagsasabing parang true to life story iyon. Karamihan sa kanila ay nagkakakilala at dahil sa pangungulila sa kanilang pamilya ay nagiging masyado na nga silang malapit na nauuwi naman sa relasyon.

Common story iyan dito sa Japan,” sabi ng ilang OFW. Kaya nga maraming OFW ang nakare-relate. “At hindi lang dito sa Japan nangyayari ang ganyan kahit na sa ibang lugar na maraming OFWs,” sabi pa nila.

Hindi natin alam kung saan-saan pang parte ng Japan mag-iikot ang pelikula. Hindi na raw iyan kasama sa mga blocked screening na napagkasunduan noong una pa, mga OFW na mismo ang gumagawa ng blocked screenings para mapanood nila ang pelikula. Nakatutuwa naman at malaki ang kinikita ng pelikula kahit na sa abroad. Kung ganyan lagi may pag-asa ang mga pelikulang Filipino na makapasok na sa theatrical commercial exhibition sa mga sinehan sa abroad. Tanggap pala tayo hindi lang ng mga Pinoy kundi ng mga dayuhan din.

Tapos nasasabayan pa ng kampanya ni Vilma Santos na pabalikin ang mga tao sa sinehan, mukhang mabubuhay na nga yata ang industriya ng pelikulang Filipino.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …