I-FLEX
ni Jun Nardo
LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa Philippine journalists.
Bilang kongresista, isinulong ni Cong. Villar ang House Bill 6543, para bigyan ng disability, health, at hospitalization benefits sa lahat ng practicing journalists.
“Mahalagang alagaan natin ang ating mamamayag lalo na ‘yung naka-assign sa mga delikadong lugar. Tinataya nila ang buhay nila para makapagbigay ng napapanahong balita para sa mga Filipino.
“Kaya nararapat lang na bigyan natin sila ng proteksiyon at dagdag na benepisyo para sa kanilang sakripisyo,” rason ni Cong. Villar.
Inihain din niya ang House Resolution 451 upang mag-create ng seed fund para mag-grant ng additional funding para sa local film industry.
Bukod sa pagiging public servant, si Rep. Villar ay President at CEO ng AllVaue Holdings Corporation ng Villar Goup of Companies. Kamakailan, bahagi rin siya ng partnership ng Advance Media Broadcasting System (AMBS) at ABS CBN na maghahatid ng TV Patrol sa free channel na Channel 2 at iconic Kapamilya teleseryes na napapanood sa Jeepney TV.
Itinanggi rin ni Rep. Camille ang balitang tatakbo siya bilang senador sa 2025. “May isang term pa po ako sa Kongreso,” saad niya.
Iginiit din niyang walang issue sa kanila ng kaibigang Willie Revillame kahit pumirma ng konrata sa show niya sa TV5.