Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza Jak Roberto

Jak at Barbie ‘di tamang pinaghihiwalay

HATAWAN
ni Ed de Leon

UNFAIR naman iyang sinasabing sana tuluyan nang magkahiwalay sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Sa totoo lang, sila ang totoong magsyota noon pa man at ang pagiging magsyota nila ay hindi dahil isa iyong career move. Niligawan ni Jak si Barbie hindi dahil magagamit niya iyon para sumikat siya. In fact hindi nga nagpipilit si Jak na siya ang makatambal ni Barbie. Sa kanila iba ang personal na buhay at ang career.

Kung iisipin, pinagbigyan na nga sila ni Jak nang pagsabihan siya ng network na huwag munang masyadong maging visible na kasama si Barbie dahil may gagawin nga silang pakulo at iti-team siya kay David Licauco. Pumayag si Jak, ngayon gusto pa nila tuluyang hiwalayan iyon ni Barbie.

Ewan naman kung gagawin iyon ni Barbie dahil ang kanilang relasyon ni Jak ay personal. Iyong relasyon naman nila ni David simply professional, iniaarte lamang nila iyon. Iyon ba ang kanyang pipiliin?

In the first place, bakit si Jak ang kanilang pinag-iinitan. Bakit hindi rin nila masabihan si David na hiwalayan na ang tunay na girlfriend niyon? Dahil ba sa tingin nila mas madaling gipitin si Jak?

Mali ang fans na ganyan ang kaisipan. Kayo ay fans lamang ng mga artista at ang kailangan ninyong hangaan ay ang kanilang kakayahan sa pag-arte. Hindi ninyo dapat pinakikialaman ang personal nilang buhay.  Bakit kaya ba ninyong tanungin ang mga artista sa araw-araw kung ano ang kanilang ulam sa kanilang bahay, at kung matanong man ninyo, may karapatan ba kayong panghimasukan ang kanilang kinakain? Eh ‘di lalo na sa pag-ibig masyadong personal na iyan para panghimasukan pa ng fans, o kahit na ng networks mismo. Abuso na iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …