I-FLEX
ni Jun Nardo
HALATANG malapit sa isa’t isa sina Jerome Ponce at Krissha Viaje dahil sa mediacon ng coming Viva series nilang Sem Brek, makikitang hinahawakan ng aktor ang tuhod ni Krissha.
Pero behave na si Jerome sa pagsasalita tungkol sa kanila ni Krissha. Baka ma-misinterpret at makapagbitiw siya ng salitang hindi magustuhan ng mga boss nila.
Kasama ng dalawa sa Roni Benaid movie sina Aubrey Caraan, Hyacith Callado, Gab Lagman, Keann Johnson, Rose Van Ginkle, at Felix Roco at sa May 10 ang premiere nito sa Viva One na may fresh episode every Friday.
Isang horror movie ang Sem Break tungkol sa nakatatakot na karanasan ng Univerkada.