HATAWAN
ni Ed de Leon
INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila ok ni Mohan Gumatay na lalong kilala sa tawag na DJ MO.
Papaangat na noon ang career ni Bunny na isa sa mga member ng That’s Entertainment nang maging boyfriend at nabuntis ni DJ Mo. Matapos mabuntis, pinabayaan lang siya ni Gumatay dahil natakot iyon na masira ang career kung malaman ng mga tao na may anak na siya. Feeling kasi ni Mohan sisikat din siyang parang matinee idol.
Hindi naman sumikat bilang artista si Gumatay kasi nga walang height. Naging podcaster na lang siya. Suwerte naman si Bunny na nakapag-asawa ng isang responsableng lalaki na naging concerned din sa anak niya. Ngayon maganda na ang buhay ni Bunny ganoon din ang anak niya na bagama’t may kapansanan nga ay nakakuha rin ng magandang trabaho.
Ganoon lang talaga ang buhay.