REALITY BITES
ni Dominic Rea
KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita namin nang mag-live ito mula sa isang ospital noong Martes gabi.
Anang senador, nagka-problema siya sa sakong at kinailangang operahan agad. Nangyari ang lahat nitong first shooting day ng senador para sa kanyang pelikula.
Kuwento ni Sen. Bong, habulan ang eksenang ng mga sasakyan nang maramdaman niyang may sumakit sa kanyang paa.
Aabutin ng five months ang healing ng kanyang magiging operasyon. Kaya naman mukhang sa ngayon palang ay naghahanap na rin sila ng magiging ka-double ni Sen. Bong para sa mga matitinding eksenang gagawin nito para sa pelikulang Birador: Alyas Pogi.
Sa pagkakaalam namin, ipapasok ang movie para sa Metro Manila Film Festival 2024.
Noong huling makausap namin si senator ay naglalakihang mga artista ang makakasama niya sa pelikula.