RATED R
ni Rommel Gonzales
SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng mister niyang Irish businessman na si David Rainey?
“Naka-schedule po siya, naka-line up,” nakangiting wika ni Glaiza, “isa po ‘yan sa mga naka-line up.”
Marami na ang nag-aabang kung kailan sila magkakaroon ng baby.
“Hindi ko pa po alam pero we’ll see. Gusto po munang tapusin ‘yung mga commitment, siyempre nag-start na rin kami ng ‘Sang’gre,’” pagtukoy ni Glaiza na gaganap muli bilang Pirena sa inaabangang fantaserye ng GMA, ang Encantadia Chronicles: Sang’gre nina Bianca Umali, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith da Silva bilang mga bagong Sang’gre.
Pagpapatuloy ni Glaiza, “Although siyempre marami naman may mga bago ng tagapangalaga ng brilyante pero exciting kasi ‘yung story ni Pirena ngayon, excited ako na ituloy-tuloy siya.
“Tapos mayroon pang ‘Running Man’ so parang sa ngayon hindi ko pa siya talaga nasisimulan pero nakaplano na, napapag-usapan na namin.”
Ngayong May 11 ay eere na ang Season 2 ng Running Man Philippines nina Glaiza, Angel, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Buboy Villar, at Mikael Daez at ang bagong runner na si Miguel Tanfelix.
Isa rin si Glaiza sa mga boses ng Wide International na ang sakop ay negosyo ng pelikula, restaurants, beauty products, at marami pang iba.