Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Direk nabigla Boytoy may kasamang Gay Foreigner

ni Ed de Leon

NA-SHOCK si Direk. Kasi aminado naman siyang nagkaroon ng misunderstandings ng kanyang Boytoynoong isang araw, tapos bigla na lang nawalan sila ng contact. Hindi sumasagot iyon sa kanyang mga tawag, kalmado lang naman si direk dahil ang palagay niya masama pa ang loob ng boytoy niya.

Pero nabigla na lang si direk dahil hindi sinasadyang natiyempuhan niya ang isang alter account sa social media na ang subject ng tsismis ay ang kanyang boytoy. Nagulat siyang nasa Hong Kong na pala iyon at may ka-date na Gay Foreigner. Ang ginamit pang term sa kanyang ka-date ay “Afam.”

Nawalan na ng gana si direk at sabi niya hindi na raw niya tatanggapin kahit na magbalik pa sa kanya ang boytoy matapos ang date niyon sa “afam.” Aba mahirap na nga naman kahit na sabihin mong may mga gamot na ngayon na nagpapahaba ng buhay ng mga may AIDS, AIDS pa rin iyon basta tinamaan ka.

Eh kung sa bagay, ano nga ba ang inaasahan ni direk, hindi ba sumasama lang naman sa kanya ang boytoy niya dahil binabayaran niya? Natural kung may ibang magbabayad doon at mas malaki ang bayad sasama rin iyon. Hindi naman kasing ganda ni Catriona Gray si direk para sabihing hindi siya ipagpapalit ng boytoy niya sa iba lalo na kung mas malaki ang bayad.

Go ka na lang direk sa Poblacion, doon daw marami ring nagkalat na ganyan. At saka may nagsabi rin sa amin marami rin daw pakalat-kalat lang sa “Walking Street,” alam na ninyo kung saan iyan. Pero ingat dahil totoo ang virus, at mas matindi iyan kaysa  Covid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …