Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andres Muhlach Atasha Muhlach Da Pers Family

Bayani nag-fearless forecast: Andres at Atasha Muhlach magiging superstar

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG gumawa ng fearless forecast ang komedyanteng si Bayani Agbayani na darating ang araw na magiging superstars sina Andres at Atasha Muhlach na kasama niya sa sitcom na Pers Family.

Natural lang na sabihin niya iyon dahil ang dalawa naman ang inaasahang magdadala ng kanilang sitcom. Isa pa, maski naman ang iba naniniwala na ang susunod na showbiz sensations ay ang mga anak ni Aga Muhlach. Iyan lang naman ang kambal na puwedeng sumikat talaga.

Maganda ang resulta ng pagsali ni Atasha sa Eat Bulaga. Mabilis siyang nagkaroon ng malakas na following mula sa fans. Maganda rin ang attitude niya sa trabaho kaya gustong-gusto rin siya ng mga Dabarkads. 

Si Andres ay ngayon lang masasabak talaga sa showbusiness kaya nga sa first taping day ng kanilang sitcom ay aminado siyang kinakabahan pero sa totoo lang mukhang si Andres ang mas malakas ang batak sa fans at maski na ang mga beterano na sa showbusiness ay nagsasabing siya ang susunod na matinee idol kung tuluyan na ngang papasok sa showbusiness. 

At ang maganda pa sa batang iyan, edukado kasi. Hindi naman siya pinayagan ng tatay na si Aga na mag-showbiz hanggang hindi tapos ang kanyang pag-aaral. Maganda rin ang naging pagpapalaki sa kanilang kambal kaya asahan na ninyo ang maganda nilang ugali.

Iyang mga ganyan naman talaga ang sumisikat sa showbusiness.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …